"Get out of my way, bitch!"
Napapiksi ako sa narinig. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kung kaninong boses iyon. Nag-iisa lang naman ang maldita sa campus. Taga-star section siya ng grade seven. Si Melanie. Bunsong anak ng gobernador ng Maynila.
"And if she doesn't want to?" hamon sa kanya ni Bea. Nakalapit agad ito sa akin at tinulungan ako sa pagdampot ng mga libro kong nahulog sa hallway.
Pinamaywangan kami ni Melanie. Natakot agad ako. Paano kasi'y nagsilapitan na rin ang mga ka-grupo niyang mga maldita rin. Ang alam ko, gaya ni Melanie, mga anak din sila ng mga benefactors ng school namin at mas matanda sila sa amin ng one year.
"And who are you?"
Nanlisik ang mga mata ni Melanie kay Bea. Nilapitan pa niya ito at bahagyang tinulak sa dibdib. Binitawan ni Bea ang napulot niyang libro ko at sinabunutan agad si Melanie. Tumulong agad ang mga kabarkada ng huli. Pinaghahablot nila ang mahabang buhok ng kaibigan ko. Na-shocked ako. Hindi agad ako nakagalaw. Saka lang ako nakapagsalita nang makita kong halos ay nadadaganan na nila si Bea sa sahig.
"Huwag kayong mag-away, please!" umiiyak kong sabi sabay hila sa mga nakadagan kay Bea.
Tinulak ako nang malakas ng isa sa mga kaibigan ni Melanie. Natumba ako. Tatadyakan na sana ako ng isa sa kanila nang biglang may dumating.
"Girls! What are you doing?!"
Natigil sa pagsasabunot kay Bea sina Melanie at mga kaibigan nito. Tila nataranta sila. Mabilis nilang itinayo si Bea. Pagtingala ko, nakita kong nakaunat ang kamay ng magandang ginang sa harapan ko. Tahimik kong inabot iyon at hinayaan siyang tulungan ako sa pagtayo. Pinagpag-pagpag niya ang palda ko pagkatapos.
"Tita, it's not our fault!" sabi agad ni Melanie sa babae. Mukhang nagpa-panic ito na hindi maintindihan. Nang hindi sumagot ang magandang ginang, lalo itong nangatwiran. No'n lang siya hinarap nito.
"I saw everything, Melanie. You should not bully your schoolmates."
Napatungo si Melanie pati na ang mga kaibigan niya na katulad niya'y paulit-ulit na nagso-sorry sa babae. Nagtinginan naman kami ni Bea. Kapwa kami nagtataka. Sino itong bagong dating na tila kinatatakutan ng mga malditang ito?
"Mom!"
"Oh! Mommy pala ni Matias," nakikilig na bulong sa akin ni Bea nang makita ang nerd na kumaway-kaway sa magandang ginang. Alam na kasi namin na kapatid ito ng crush niya. Hindi niya alintanang mayroon na siyang galos at ang gulo na ng buhok. Pagdating kay Matias, lagi siyang alerto.
The nerd kid looked at me curiously before kissing his mom's cheeks. Narinig pa naming nagtanong ito sa mommy niya kung ano ang nangyari. Ang ka-grupo naman ni Melanie ay magalang nang nagpaalam at dali-daling umalis doon.
Sinapo ng mom ni Matias ang pisngi ni Bea at tinanong siya kung okay lang siya. Mabilis namang tumangu-tango ang bruha kong kaibigan. Tila kinilig siya kahit na mom lang ni Matias ang kausap niya.
Nginitian kami ng magandang ginang at sinabi nitong sasamahan daw niya kami sa guidance office para ma-report namin ang grupo nila Melanie.
"Ay, huwag na po!" halos ay sabay naming tutol ni Bea. Mahirap na. Baka balikan kami ng mga witches. Wala kaming kalaban-laban sa kanila. Marami silang kaibigan samantalang tatlo lang kami ni Candy.
"Don't be scared. Ako ang bahala sa inyo," sabi pa ng ginang. She smiled at us. At hinagud-hagod niya ang buhok ko. Natulala ako habang nakatingin sa mga mata niya. May ganoon pala kaamo at kagandang mommy. Her gesture made me feel good. Pero nanindigan kami ni Bea. Bago pa niya kami mapilit, nagpaalam na kami agad sa kanya.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomansaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
