Ang sabi ni Mama dapat daw akong maging mabait sa kapwa, pero paano ako magiging mabait sa mga taong hindi naman karapatdapat?
"Alis ka riyan, Helena! Upuan iyan ni Zinnie!"
Napatingala ako sa batang mataba. Nakapamaywang na siya sa akin. Dumating din ang dalawa pa niyang kasama at pinagtulungan nila akong paalisin sa upuan ko. Nang hindi ako tuminag, hinawakan nila ang dalawa kong kamay at pilit na pinatatayo. Lumaban ako pero lalo lamang nila akong pinagtulungang saktan. Napasubsob ako sa sahig.
"Diyan ka bagay, anak ng haliparot!" sabi pa ng batang mataba at binelatan pa nila akong tatlo.
Nangunot ang noo ko. Haliparot? Ano iyon?
Nakita ko silang nagbulungan at bigla na lang nagtawanan. Sumulyap pa sila sa akin na tila mayroon silang nalalaman na hindi ko alam.
"Ang nanay mo maraming asawa! Pati si Tserman na katanda-tanda na'y pinatulan pa ng nanay mo!" sabi naman ng isa pa. Gulat na gulat ako. Si Chairman? Lolo na iyon a!
"Mang-aagaw ng asawa ang nanay mo, alam mo ba iyon?! Kaya ba siya nandito sa amin para mang-agaw ng mga asawa ng mga nanay dito?" tungayaw naman ng isa pa nilang kasama.
Na-shock ako sa narinig. Nayanig talaga ang pagkatao ko. Nang marinig ko uli ang salitang 'haliparot' sa batang mataba, sinunggaban ko na ito at nagpambuno kami sa sahig. Iyon ang eksena na naabutan ng titser namin. Ang ending, pinatawag ang mga magulang namin. First day ko sa eskwelahang iyon at sa guidance office agad ang bagsak ko.
"Anak, bakit ka nang-away ng mga kaklase mo? Hindi ka naman ganyan."
"Mama, ano ibig sabihin ng haliparot?" balik-tanong ko. Gulat na gulat si Mama. Maging titser ko at nanay ng mga nakaaway kong kaklase ay na-shock din. Nang pinaliwanag ko kung paano ko nasagap ang salitang iyon, nakita kong tila pinamutlaan ng mukha ang mga nanay ng tatlong bata. No'n ko naunawaan na ang sama nga pala talaga ng ibig sabihin ng haliparot. Ganunpaman, hindi iyon ang kahuli-hulihang pagkakataon na narinig ko iyon mula sa matatabil na bata. At ang pakikipag-away ko sa ibang bata dahil doon? Naging pangkaraniwan na lang sa sumunod pang tatlong taon ko sa Mababang Paaralan ng Barangay Pulang Bato.
**********
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Hindi ako maka-concentrate sa trabaho. Maya't maya kasi'y nakikita ko sa balintataw ang imahe ng blonde bombshell habang nagpapakandong ito sa hambog na janitor na iyon.
Napatayo ako at nagpalakad-lakad saglit sa aking silid. Nang hindi pa rin mapanatag ang kalooban nagtungo ako sa maliit na bar na karugtong ng upisina ko at nagsalin ng red wine. It feels weird drinking wine early in the morning, but hey, if I need it to calm my nerves then it's the best thing to do. Nakadalawang wine glass ako bago naging panatag ang kalooban. Pagdating ni Stefano sa upisina, balik good mood na uli ako.
Gaya noong nakaraan, may dala na naman itong isang pumpon ng mapupulang rosas. May kasama pa iyong malaking kahon ng Godiva chocolates.
"You're getting more and more generous, Stefano," puna ko.
Ngumiti siya nang pagkatamis-tamis. Kinuha nito ang isa kong kamay at masuyong dinampian ng labi. "I meant what I said in the restaurant, mia cara. I'll make you happy forever."
Kung noon niya siguro sinabi iyon---noong una siyang pinakilala sa akin ni Papa, marahil ay kinilig ako nang todo. I have to admit, na-crush at first sight ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi? Ang guwapo-guwapo niya at ang bango-bango pa. Galing pa sa mayamang angkan sa Italya. Lahat ng gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki ay sa kanya na yata lahat. Kaya lang nitong nakaraang linggo parang may nagbago. Parang hindi na siya ang Stefano na nakilala ko noon.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...