EPILOGUE

16.3K 686 164
                                    

Nagkagulo na naman sa school dahil na-involve mga kuya ko sa rambolan at nakisawsaw din kami nila Morris at Matias.

"Ikaw Marius, you're the eldest. You should have guided your little brothers not to get involved in any violent behavior! Pero ikaw pa itong nauna!"singhal kay Kuya ni Dad.

"I just defended myself, Papa. Alangan namang hindi ko ipagtanggol ang sarili ko?" sagot ni Kuya. Hindi man lang ito kakitaan ng takot samantalang nanginginig kaming apat, pati na si Markus, ang kakambal niya. Takot lahat kami kapag tumaas na ang boses ni Dad. Katunayan, nagsisiksikan na kami sa couch sa living room ng dekano ng College of Arts and Sciences ng eskwelahan namin. Si Kuya Marius lang ang nahiwalay ng upuan. Nasa pang-isahang sofa siya kaharap ng inuupuan ni Dad.

"Mr. San Diego," narinig naming tawag mula sa pintuan. Ang CAS Dean. Oras na raw para mag-usap sila ni Dad.

"We're not done yet, guys. You better give me a better explanation later," sabi ni Dad sa aming lahat bago siya tumayo at sumunod sa dekano sa upisina nito.

Makaraan ang ilang minuto binalikan kami ng daddy namin at sinabihan kaming lahat na uuwi na kami. Bumuntot kami sa kanya patungo sa parking lot kung saan naghihintay ang sasakyan naming mag-aama. Hindi niya kami kinausap kaya hindi namin alam kung naging positibo ba ang pag-uusap nila ng dekano o ano. Takot naman kaming magtanong. Si Kuya Marius naman, wala ring kibo. He seemed not to care whatever the decision is.

"Ang hirap talaga ng puro lalaki ang anak, ser," natatawang komento ni Mang Andres, ang driver namin habang palabas ng campus ang sinasakyan naming limo. "Pero ser, sana nakita n'yo kung paano nakipaglaban ang mga bata sa sumisiga-siga sa iskul. Aba'y parang nanonood lang ako ng pelikula ni Drunken Master."

Nakita ko sa salamin na nangunot ang noo ni Daddy. Lumingon siya sa aming lima at tiningnan kami nang masama. Yumuko ako agad. No one dared make any noises. Napaupo lang ako nang matuwid nang pasekreto akong kinalabit ni Morris. Tumingin daw ako sa labas ng bintana which I did. There she was----walking towards the gate. She was wearing her usual long, blue skirt and white blouse. Kahit na thirteen pa lang siya, she looked like a lady na. Pakiramdam ko sumirko-sirko ang puso ko nang tingin ko'y nagtama ang aming paningin.

"Happy?" panunudyo ni Morris. Impit siyang humagikhik. Kaso narinig ni Dad. He glared at my little brother. Nawala ang ngisi ni Morris. Pati ako'y napatingin nang deretso sa harapan. Ninerbiyos na naman ako.

"Who's that girl?" bigla na lang ay tanong ni Dad. He looked at me. Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ako nakasagot.

"The love of his life, Dad," sagot ni Morris. Siniko ko siya.

**********

I was in the middle of a meeting when I heard my phone rang. I glanced at the caller's ID. It was my wife again. Pangatlong tawag na niya iyon in less than ten minutes. Hindi ko kasi sinagot ang dalawang nauna. Nasa importanteng meeting kasi ako ngayon. Kausap ko ang representative ng isang malaking Singaporean company na siyang inaasam naming magdi-distribute ng video games namin sa buong Singapore at sa kalapit na bansa nila, ang Malaysia. Pinatapos ko muna ang conference bago ako lumabas ng silid para tawagan si Helena.

"I have been calling you for God knows how long!" asik niya agad pagkakonekta ng mga linya namin. She seemed mad as hell. I just rolled my eyes. Hindi na ako nanibago dahil likas naman siyang mainitin ang ulo. Siguro may problema na naman sa kompanya niya sa US. Baka hihimukin na naman akong bumalik na lang kami ng Virginia.

"What's up, baby? Parang susunugin mo na naman ang buong karagatan," biro ko pa.

"It's Hailey!"

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon