Lakad-takbo ang ginawa naming magkakabigan patungo sa football field. Nag-uumpisa na raw ang laro ng eskwelahan namin laban sa St. George Academy, ang rival school namin pagdating sa larong football. Pagdating nga roon, halos hindi na kami makasingit sa kapal ng tao sa entrance maging sa mga bleachers. Mabuti na lang at mas matangkad kami sa karamihang nandoon kung kaya kahit papaano ay may nakikita pa rin kami sa field kahit na nagsitayuan na ang halos lahat ng manonood.
"Oh, my God! Look at Matias?" kinikilig na bulong sa akin ni Bea.
"Hayun siya!" sigaw naman ni Candy. Kay Candy ako napatingin. Sinundan ko ang tinuturo niya. Nandoon nga ang kapatid ni Matias na ka-batch namin. Malapit siya sa field. Nakatingin din siya sa kuya niya habang sumisipa ito ng bola. While I was looking at him, I realized how much he resembled his other kuya. Iyong college hottie na pinagtitilian din ng girls sa campus.
"Why are you looking at him like that?"
Napakurap-kurap ako ng mga mata at napatingin kay Candy. She was eyeing me with suspicion. Pabiro ko siyang siniko.
"Ano ba. May taste naman ako kaysa sa iyo, ano?" sabi ko. Pero hindi niya ako nilubayan. Ilang beses niya akong tinanong kung gusto ko rin ba si Moses San Diego.
"Nasabi na sa iyo noon ni Helena na ayaw nga niya kay Nerdy, di ba? Ang kulit mo! Why don't you just watch the game?" sabat ni Bea. "Go, Matty! Yeah!" sigaw nito ulit.
Mabilis na napatingin kami sa field. At nakita namin kung paanong naka-score si Matias. Halos magiba ang bleachers sa side namin sa tindi ng hiyawan na may kasamang pagtalon ng mga fans ng team namin. Nang opisyal na i-anunsiyong nanalo ang koponan ng school lalong nagwala ang mga tao sa paligid. Paglingon ko hindi ko na nakita si Bea. Nawala na rin si Candy. Palinga-linga ako pero hindi ko na sila nakita pa. Later on, I saw my good friend, Bea in the field. Nakikidumog siya sa mga fans ni Matias na nagpapa-autograph dito. Napailing-iling ako. Sa halip na puntahan siya, minabuti ko na lang lumabas ng football field mag-isa. Sa labas ko na lang sila hihintayin.
Dahil sa sobrang dami ng mga taong lumalabas sa football field, chaos ang parking lot pati na rin ang mga malalapit na lugar. Naisip kong sa harap ng library na lang sila hintayin. Pero medyo madilim na'y ni anino ng dalawa ay hindi nagpakita. Gano'ng usapan namin doon magpunta sa oras na magkasalisihan. Natakot tuloy ako dahil wala akong sundo. Ang alam kasi ni Mama ihahatid ako ng car nila Bea sa amin.
"Helena," tawag sa akin sa bandang likuran ko. Naglalakad na ako papunta sa gate noon.
Si Moses San Diego. Nakadungaw siya sa bintana ng sasakyan nila. May dumungaw pang isa pa. Ang kambal-tuko niyang nakababatang kapatid.
"Come, Helena. Ihahatid ka namin sa inyo," paanyaya sa akin ng younger brother ni Moses. Kiming ngumiti naman sa akin ang kuya niya.
Magpapakipot pa sana ako, pero halos papaubos na ang mga tao sa campus. At malabo nang balikan ako ng mga kaibigan ko.
Papasok na ako sa sasakyan nila Moses nang biglang may tumawag sa akin sa hindi kalayuan. Si Candy. Bumalik siya. Nakabusangot ang mukha nito nang lingunin ko. Ako nama'y nagalak nang makita siya. Ibig sabihin ay hindi ko na kinailangan pang sumabay kina Moses. Tatakbo na sana ako papunta sa kinaroroonan niya nang bigla siyang tumakbo palayo. Nalito tuloy ako.
**********
Ilang araw na simula ng pagbisita namin sa mansion nila Moses sa Arlington pero parang umaalingawngaw pa rin sa isipan ko ang mga sinabi nito sa akin doon. May iba na raw nagmamay-ari sa puso niya. True to what he said, I read a news story in the morning paper about an engagement of a local socialite to a foreign businessman. Pagkakita ko sa larawan ni Moses sa pahinang iyon, pinanghinaan na ako ng loob. Hindi ko na binulatlat pa ang pahayagan. Uminom lang ako ng orange juice at dumeretso na sa basement kung saan naka-park ang sasakyan ko. Oo nga pala, nakalipat na ako ng tirahan. Hindi na ako pinayagan nila Papa at Mama na bumalik doon sa dati kong townhouse.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomansaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...