"Matias!" tilian ng isang grupo ng mga grade three girls pagkaibis naming tatlo sa sasakyang naghatid sa amin sa St. John's Academy. Nangunot agad ang noo ni Morris. Ang sama ng tingin sa mga sumasalubong sa aming babae. Si Matias nama'y dedma lang. Parang hindi niya nakita ang mga ito. Ako lang ang nasaktan.
"Sino'ng mga iyan, Sir Matias? Ang ko-cute nila, ha?" panunudyo ni Mang Andres, ang driver namin.
"Sino po?" balik tanong ni Matias. Napatingin siya sa tinutukoy ni Mang Andres at nagkibit-balikat.
"Mga k-kaklase ko po," nahihiya kong pag-amin.
Napakamot-kamot ng ulo si Mang Andres. Hindi na ito nagkomento pa. Tila naramdaman niyang hindi ako komportable sa sitwasyon. Paano ba naman kasi heto akong kaklase nila pero si Matias ang kanilang napansin. At mukhang hindi pa nila ako kilala.
Nang malapit na sila sa amin at kinikilig na nag-wave at bumati kay Matias pinandilatan sila ni Yaya Metring. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin na tila baga gusto akong protektahan sa sama ng loob. Gaya ng driver namin, na-sense din siguro niyang nainsulto ako sa inasal ng mga kaklase ko.
"Magsipasok na nga kayo sa mga silid-aralan n'yo!" pagtataboy pa ni Yaya sa kanila. "Ke bata-bata n'yo pa'y ang lalandi n'yo na! Susme! Noong kasing edad n'yo ako ni wala pa akong kamuwang-muwang sa mga lalake, eh. Samantalang heto kayo't may mga gatas pa sa labi ay kerengkeng na."
"Ah, kaya pala tumandang dalaga po kayo, ano ho, Aling Metring?" sabad ni mang Andres at humagalpak ito ng tawa. Napangiti ako. Kahit papaano ay naibsan ang pagdaramdam ko. Hinampas ni Yaya sa braso si Mang Andres. Napa-aray ito't pumasok na agad sa driver's seat ng sasakyan namin.
"You have no right to scold us, old lady! We'll make you sumbong to our parents!" pananakot ng isang tsinita. "You're just a katulong. No, not that. Tsimay!"
"Hoy! Hwag na hwag n'yong binabastos ang yaya namin! Ang supla-suplada mo'y ampanget mo naman!"
Napahumindig si Yaya Metring sa mga sinabi ni Matias. Pati na rin sina Yaya Tisay at Yaya Lota ay napahesusmaryosep. Sabay-sabay nilang sinaway si Matty at nataranta pa ang tatlo nang biglang humagulgol ang sinabihang panget. Tumakbo ito papunta sa building namin. Nagsipagsunuran na rin ang apat niyang kaibigan. Pero bago nila ginawa iyon, inirapan nila si Matias at binelatan pa. Napangisi lang ang kapatid ko sa kanila ngunit ako naman ang napagdiskitahan.
"Iyong mga kaklase mo talaga, ampapanget! Kasing panget mo! Ano ba yan! Ke aga-aga nambubwisit!" At nauna na itong tumakbo papunta sa elementary department ng St. John's. Nagtungayaw pa sana ang yaya niya na hintayin ito, pero hindi na nagpapigil pa si Matty. Just like always..
"Huwag mong paniwalaan iyang kapatid mo, Moses, ha?" masuyong sabi sa akin ni Yaya Metring. "Guwapo ka rin." At inayos-ayos nito ang pagkakatungtong ng eyeglasses ko sa ilong ko. "Pakabait ka, alaga ko, ha?" At hinalikan niya ako sa ulo bago pinakawalan.
Matapos ang paalaman, naghawak-kamay kami ni Morris at sabay na naglakad papunta sa gusali namin.
**********
Gaya noong nakaraan, mainit niyang tinanggap ang mga halik ko. Naramdaman ko pang diniin niya ang katawan sa katawan ko kung kaya lalo akong naging mapangahas. Gumapang agad ang aking mga kamay sa maumbok niyang pang-upo. Pinisil-pisil ko ito at hinimas-himas. I heard her moan my name. Dahil doon nagkaroon ako ng lakas na loob na laliman pa lalo ang halik. Hinagilap ko ang zipper ng damit niya sa likuran at sa isang iglap ay naibaba ko ito. Sa nanginginig na kamay, hinila ko pababa ang damit niya. Tumambad sa aking paningin ang lacy black bra niya na halos kalahati lang ng malusog niyang dibdib ang natatakpan. In one swift motion, I was able to unhook it and claimed one of her pinkish nipples. Napasinghap siya agad. Habang hinihimas-himas ko ang isa, nagpakasasa naman ang mga bibig ko sa kakambal nito. Ilang beses siyang humalinghing na parang kuting dahil doon. Dadamhin ko na sana ang sugpungan ng mga hita niya nang marinig ko ang mahina niyang pagtutol. Noong una, hindi ko iyon pinansin. Pero nang pigilan niya mismo ang aking kamay para sa paghaplos doon, natigil ako sa paghalik sa kanyang leeg at pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mukha. Bahagya pa siyang nakapikit na tila nagdedeliryo pero klaro na ang kanyang mga sinasabi.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...