Pagkatigil ng sasakyan namin sa garahe, nag-unahan na kaming tatlo nila Matias at Morris para tumakbo sa loob ng bahay. Hindi namin pinansin ang pagtungayaw ng aming mga yaya na huwag tumakbo. Nagmadali kami sa pag-akyat sa kuwarto nila Mom at Dad. Naabutan pa namin ang doktor doon na nagpapaliwanag ng mga bawal gawin para sa mommy namin. Kaagad kaming kinabahan. Napakapit nga sa kamay ko si Morris. Si Matias nama'y ilang beses na napalunok.
"Is Mom gonna die?" tanong ni Morris sa akin sa tonong tila pipiyok. Sinimangutan ko siya. Pinitik naman ni Matias ang kanyang noo.
"Guys," saway sa amin ni Dad. He gave us a warning look before he walked the doctor to the door. Pagbalik niya nakapalibot na kami sa kama ni Mom. We were holding her hand.
"What's wrong, Momma?" si Matias. Pinangingiliran na siya ng luha. Mukha kasing hirap si Mom sa pagbuka ng kanyang mga mata.
"N-nothing, sweetie. Mommy is just tired," sagot ni Mom sa mahina at tila namamaos na tinig.
"I love you, Mommy. I don't want you to die," umiiyak na sabi ni Morris. Pinandilatan siya ni Matias. Siniko ko naman siya nang bahagya. Takot na takot kami ni Matty na mabanggit-banggit niya ang salitang 'die'. Kasi pakiramdam ko at marahil ganoon din ang kuya ko baka pakinggan kami ng universe. We love our mom so much. Hindi namin kayang mawala siya sa buhay namin.
"Ser, heto na po ang sopas para kay ma'am," narinig kong sabi ng katulong. Pinapasok siya sa loob ni Dad. Sumulyap siya sa direksiyon namin habang nilalapag sa maliit na mesa sa paanan ng kama ang dala-dalang tray.
"Thank you, manang," sabi ni Dad sa kanya at hinatid na siya sa pintuan.
"Naku, ser. Sobrang hirap siguro noong pinanganak si Bebe Mooses, no? Kasi hanggang ngayon iniinda pa rin ni ma'am ang epek no'n."
Nanigas ang kalamnan ko sa narinig. Ano'ng hirap sa panganganak sa akin? Napaupo ako nang matuwid sa bandang gilid ni Mom. Hindi ako nag-aksaya ng sandali. Inusisa ko si Dad tungkol sa sinabi ng katulong namin.
"Don't worry about it, son."
"Dad, I want to know," pagmamakaawa ko.
Dad hesitated for a moment, then he told me the whole story. Nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang marinig ang kuwento niya. I felt guilty for causing Mom to endure such pain. Napakurap-kurap din sina Matias at Morris. At napaiyak kaming tatlo habang nakatitig sa nakapikit naming ina.
**********
True love only knocks once. You better hold on to it while you can or you will regret letting it go just like that for the rest of your life.
Pinangunutan ako ng noo nang mabasa ang sagot ni Morris sa text ko. Tinatanong ko lang naman ang ungas kung kailan ang balik niya sa Manila dahil mukhang nawiwili na siya sa Iloilo. Tinawagan ko na ang hinayupak dahil sa cryptic text niya.
"I cannot talk right now, bro. Do what you should do."
"Anong 'do what you should do' ka riyan? When are you coming back? Do not tell me nagpapikot ka na sa Ilonggang iyon?"
Malutong na tawa ang sagot ni Morris at pinatayan pa ako ng telepono. Gunggong!
Napatingin lang ako sa hawak-hawak na cell phone for a long time, not knowing what to do. Parang nawalan ako bigla ng ganang magtrabaho. Naiisip ko si Helena. Hindi ko maalis-alis ang maamo niyang mukha sa aking isipan. Parang nanikip pa ang dibdib ko nang maalala ang huli naming pag-uusap. Binagabag ako ng malungkot niyang ekspresyon sa mukha na pilit niyang itinatago sa akin nang sabihan ko siyang mag-cool off muna kami habang pinag-iisipan namin kung ano ang nararapat naming gawin. Ilang beses kong binatukan ang sarili na nagpadala ako sa bugso ng damdamin. Sinisi rin ako ni Morris sa ginawa ko. Ang engot ko raw. Ang tagal kong hinabol-habol si Helena tapos sa isang mababaw na dahilan lamang ay basta ko na lang ito iniwan.
![](https://img.wattpad.com/cover/154566408-288-k25563.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...