Papasok na ako ng library nang mahagip ng aking paningin ang tumatakbong isang grupo ng mga batang babae sa hindi kalayuan. Isa sa kanila ay si Helena. Pagkakita ko sa kulay brown niyang buhok na nillilipad-lipad ng hangin natigil ako sa paghakbang. Pakiramdam ko'y tumigil sa pag-inog ang mundo. Napakurap-kurap na lang ako nang may biglang dumaklot ng kuwelyo ko at pilit akong itinataas sa ere. Dahil mas malaki siya sa akin at mas matangkad pa, naiangat niya ang aking mga paa ng siguro'y mga limang pulgada mula sa sementadong sahig na kinatatayuan ko. Nakaramdam ako ng takot nang makita kong nanlilisik ang kanyang mga mata sa galit.
"What are you staring at?" galit niyang tanong sa akin.
"W-what? I-I-I was no-not sta-staring at anyone."
"Lying bastard!" buong pagngingitngit niyang bulyaw sa akin. Dumura pa sa pagmumukha ko.
Napapikit ako. Hindi ko man lang kasi mapahiran ang pisngi ko dahil hindi ko na halos alam kung nakakabit pa ang mga braso ko sa higpit ng paghawak ng dalawa niyang kaibigan na kaagad ay gumapos sa akin para malayang maisagawa ng lider nila ang pananakot sa akin.
"Next time, never, ever set your eyes on my girl again if you do not want to die!"
Bago pa ako makasagot ay bigla na lang akong natapon sa isang tabi. Nabitawan ako ni Christoff ang grade seven student na nananakal sa akin. Nakita ko na lang itong nakahandusay na sa sahig at duguan na ang bibig. Ganoon din ang dalawa niyang alalay.
"Next time, never, ever lay your finger on my brother if you do not want to die! Got it?" singhal sa kanila ni Matias. Nakadiin ang sapatos nito sa leeg ni Christoff.
Napatayo ako agad at napahawak sa kamay ng kuya ko.
"Tama na! You might get in trouble!"
Kabado akong napalinga-linga sa paligid. At dumating nga ang kinatatakutan ko. Lumalakad-takbo papunta sa bukana ng library si Mrs. Faulkner, ang guidance counselor namin. She looked so mad. Pagdating nga niya sa eksena'y tinulak niya si Matty at tinulungan sa pagtayo si Christoff at ang mga kaibigan nitong tulad niya'y mga half-breeds (tawag sa kanila ni Matias iyon) o half-Filipino at half-British. Anak si Christoff ng Consul-General ng UK sa Pilipinas.
Pagkahapon dumating ang parents ng tatlong batang lalaki at galit na galit sila sa amin lalo na kay Matias. Gusto nila kaming ipa-expel.
"Who the bloody fvck are these violent children?" tanong pa ng Consul General kay Mr. Armando, ang principal namin na ngayo'y namumula na sa takot at sa discomfort na rin. Nagpahaging kasi ang consul na ipapatanggal siya sa trabaho kung hindi niya kami mapapaalis sa eskwelahan.
"Sir, uhm, consul, uhm---we have a process to follow. We cannot just expel a student without properly looking at---
"The bloody hell you will! Look at what the monsters did to my son and his friends?!"
Sinang-ayunan iyon ng dalawa pang lalaking puti na napag-alaman nami'y may mataas ding posisyon sa embahada ng United Kingdom sa Pilipinas.
Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ng kuya ko. Umayos naman ito ng upo at inakbayan ako as if trying to protect me from the glares of the Brits. No'n dumating si Daddy. Saktong dinuduru-duro ako ng Consul-Genera nang mga oras na iyon..
"Get that fvcking finger off my son's face if you do not want to go back to your country wearing a dog's face!"
Namutla ang principal. Hindi nito malaman kung ano na ang gagawin. Kami naman ni Matty ay nagkatinginan at lihim na napangiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/154566408-288-k25563.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...