Parang pinuputakte na ang exhibit naming mga gradeschoolers. Manghang-mangha ang lahat sa dinisenyo naming robots ni Morris. Siyempre, hindi mawawala ang naggagandahang mga girls. Hit na hit sa kanila ang nakababata kong kapatid. Nagtitili sa kanya kahit ang mga grade seven. Ako? Kahit mga bading kong kaklase ayaw akong pansinin. Magsisimula pa lang akong magpaliwanag ng functions ng inventions naming mag-utol, nagsisialisan na ang mga tao. Nang bandang hapon na may lumapit sa aking naka-glasses na grade five student din. Kaklase ko siya sa Mandarin. She looked at me like she was very interested to listen. Kahit papaano nabuhay ang aking self-esteem.
"You know what? You remind me of someone when you explain like that," nangingiti niyang wika matapos kong mag-'mini lecture'.
Pagkarinig doon namilog ang mga mata ko. Kulang na lang ay magba-blush ako. What she said sounded like a praise to my hungry ears.
"Oh, really?" tanong ko, fishing for more compliments.
"Yeah. You sounded and looked like Mr. Bean. You know that weird and funny TV character?"
"Oh!" nasambit ko. At biglang nag-init ang aking mukha. Siyempre, sino ang hindi nakakakilala kay Mr. Bean? Nakakatawa iyon. Kaso nga lang, iyon lang. NAKAKATAWA.
May nagtawanan sa likuran namin. Paglingon ko sa kanila, nakita ko ang isang grupo ng mga girls at bading kong kaklase. Mga kaibigan pala ng batang babaeng nakasalamin. Nag-high five silang lima at sinulyapan nila ako. Then, they laughed hard at me again. I've never felt so embarrassed! Gusto kong tumakbo at magtago sa ilalim ng lupa. Pero bago ko magawa iyon, nagkaroon ng komosyon sa may doorway ng silid. May napakaimportanteng panauhin yatang pumasok dahil nataranta ang mga guro namin. Nang humawi ang mga nakapaikot sa kanya, nanlaki ang mga mata ko.
"Dad!" tuwang-tuwa kong sambit. He came!
Dad gave me a big smile and opened his arms. Tumakbo ako sa bisig niya at niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Tumawa ang daddy ko.
"I thought you were busy. I thought you were not coming."
"And miss your show? No way!"
Ginulu-gulo ni Dad ang buhok ko.
"Hi Moses!" narinig ko na lang na bati sa akin ng grupong kanina lamang ay ginawa akong kengkoy. Kumaway-kaway pa sila. Nakita ko rin kung paano sila namangha sa daddy ko.
"Your firends?" tanong ni Dad sa akin.
Malungkot akong umiling.
**********
"Are you sure you do not have time to come with me to Virginia, Kuya?" tanong ko habang pinapanood si Kuya Marius na kumakalikot sa kotse niya. Nasa bahay nila ako sa Urdaneta Village sa Makati. I was trying to convince him to come with me to Virginia and tell Helena's family my real identity. Mas kapani-paniwala siya kasi. Isa pa, kilala na siya ni Mr. Bianchi.
"Ano ba ang sabi ko sa iyo noon? I didn't approve of what you did. I told you to be honest with her right from the start. Pero ano ang ginawa mo? Nag-hire ka pa ng ka look-alike para magpapatunay na hindi nga ikaw si Moses San Diego in case your plan fails. Ngayon, gusto mo suportahan kita sa pagsabi ng tunay mong pagkatao? No! You fight your own battle."
Napasimangot ako. But then, I gave it another shot. Nagpaliwanag pa ako sa kanya.
Tinigil ni Kuya ang pagbubutingting sa sasakyan at hinarap ako.
"Huwag makulit, Moses! Got it? Now, go!"
Tiningnan ko siya nang masama bago dali-daling sumampa sa bago kong Ducati at pinasibad ito palayo sa kanila. Bwisit na bwisit ako. Naisipan kong umuwi na sa Alabang pero naisip kong baka kaya kong kumbinsihin si Markus. At least, between the two of them ito ang mapagbigay at maunawain. I think he would understand my situation.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...