CHAPTER THREE

15.5K 640 51
                                    

Pagkarinig namin ni Ximena sa kalampag ng lumang orasan sa dingding, napatili kaming dalawa. Hudyat na kasi iyon na alas dose na. Ika-dalawampo't lima na ng Disymebre. Paunahan kami sa pagtakbo patungo sa Christmas tree sa sala at kanya-kanyang urirat sa natanggap na regalo. Iyong akin nayakap ko't naisayaw-sayaw pa. Iyong kay Ximena nama'y niyakap na lang niya habang nakapatong ito sa sahig. Hindi niya kasi kayang buhatin iyon, e. Sobrang laki at sobrang bigat para sa isang limang taong gulang. Hindi na baleng mas malaki nang di hamak ang natanggap ni Ximena mula sa mga lolo't lola namin sa side ni Papa. Mabuti nga't hindi nila ako nakaligtaan ngayon, e. Iyon ang mas importante.

Habang binubuksan ko ang regalo, napasulyap ako kay Mama. Ngumiti siya sa akin. Si Papa nama'y abala sa kapatid ko. Kada punit ni Ximena sa papel ay napapasinghap siya kunwari. Nakadalawang punit lang ako sa wrapper ng box ko nang tumambad na sa akin ang natanggap kong regalo. Isang pambatang toothbrush na may kasamang maliit na toothpaste. Parang tinurok ng karayom ang batang puso ko. Bago pa ako maka-todo emote tumili nang pagkalakas-lakas si Ximena. Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak-hawak niya ang pagkalaki-laking manika na sobrang ganda. Iyon ang pangarap naming dalawa. Manikang naglalakad at nagsasalita.

**********

Nangunot ang noo ko nang mabasa ang nilalaman ng email ng perfectmatch.com na siyang tumulong sa amin noon na makahanap ng bone marrow donor ko. Ayon sa kanila, ayaw pa daw makipagkita ng taong nagbigay sa akin ng pagkakataong mamuhay nang normal. Huwag na raw akong umasa na makita o makilala pa siya. Mayroon daw talagang donors na gustong manatiling anonymous.

"Ang arte! Kung ayaw mo e di hwag!" Tiniklop ko na agad ang laptop at inubos na ang laman ng mug ko. Napasimangot ako nang sumayad sa dila ang kape. Ang lamig na. Pinindot ko agad ang buzzer sa gilid ng desk. Kumaripas sa pagtakbo papasok ng silid ang matanda kong sekretarya na si Ms. Faulkner.

"Yes, ma'am? What can I do for you, ma'am?"

"My coffee's cold," malamig kong tugon.

"Oh. That's expected. It has been there for almost an hour now."

Napatingin ako sa kanya buhat sa pagbabasa ng ilang memos. Tiningnan ko siya nang masama. Napakagat-labi siya at walang sali-salitang dinampot ang mug.

"I'll give you another one in a few minutes," sabi nito at dali-dali nang lumabas ng upisina ko. Hindi na ako sumagot pa. Tumayo ako at binuksan ang blinds na nagtatakip sa glass wall sa bandang kaliwa ng working area ko. Tanaw ko mula roon ang isang bahagi ng Chantilly. Sa tuwing nakikita ko ang magagarang townhouses at bahay napapangiti talaga ako. Sino ang mag-aakalang ang isang inaapi-aping bata noo'y parte na ng marangyang siyudad na ito?

Hinubad ko ang blazer at pinatong lang ito sa likuran ng executive chair ko. Hinilot-hilot ko ang batok, nag-stretch at binistahang mabuti ang hitsura sa full-length mirror na nasa isang sulok ng upisina.

Hinapit ko sa katawan ang sleeveless floral top ko from Gucci at pinagpag ang imaginary dusts sa Christian Dior kong flowing, black skirt. Kahit kailan, ang ganda ng taste ni Mama. Superb! Tinaas ko ang nakalugay kong buhok at ineksamin ang kuwintas na bigay sa akin ni Stefano. Not bad knowing na ang kuri-kuripot niya. At least nagbigay ng six-figure jewelry sa akin. Ang dinig ko, hanggang ten grand lang ang mga regalo niya sa past girlfriends. I must be pretty special. Napangiti ako na parang timang.

"Ehem," sabi ng pamilyar na boses. Napakislot ako. Kaagad kong binaba ang buhok at sinuklay ito gamit ang daliri. Pinatigas ko ang ekspresyon sa mukha at hinarap ang pangahas kong bisita.

"What are you doing in my office? Don't you have any cleaning task to do?"

"I just dropped by to give you this coffee. Ms. Faulkner is talking to somebody on the phone."

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon