"Hi there! You must be the science genius," nakangiting bati sa akin ng isang cute na cute na batang babae. Pamilyar ang mukha niya sa akin dahil isa siya sa tumitili kapag dumarating kami. Alam ng lahat na crush niya ang kuya kong si Matias. Kung hindi ako nagkakamali grade four din siyang tulad ko ngunit nasa ibang klase lang.
"H-Hello. I-I'm Mo-Moses. M-Moses San Diego," pagpapakilala ko. Inunat ko pa ang kanang kamay para makipagkamay sa kanya. I really felt good at that moment. Biruin mo, may cute na bumati sa akin?
Tiningnan niya lang ang kamay ko. Imbes na kamayan ako, pinansuklay niya ang kanya sa buhok. Binaba ko na lang iyong akin kaysa magmukhang timang na umuunat ng kamay na hindi naman pinapansin.
"I heard you're a scholar," sabi pa ng bata. Proud na proud naman akong tumango. Ngumiti na naman siya. It made my heart skipped a beat. Feeling ko nag-blush pa ako.
"Eloisa, baby," tawag dito ng magandang ginang sa may bandang pintuan ng principal's office. Pinapalapit nito ang batang babae.
"Sige, science genius. See you around." At kumaway-kaway sa akin si Eloisa habang naglalakad papunta sa tinawag niyang 'mommy'.
"Who were you talking to?" narinig kong tanong ng babae kay Eloisa.
"He was a scholar here, Mom. He's a genius."
Sinulyapan ako ng ina niya. "I know you are kind, baby. But next time, stay away from poor people, okay? They don't belong to our circle."
Napamulagat ako sa narinig. Poor daw ako?!
"He's a San Diego, Mom," sabi ni Eloisa. "That's what he said."
"Yeah, sure." At itinirik pa ng babae ang kanyang mga mata.
Magpoprotesta pa sana si Eloisa pero pinatahimik na ito ng ina. Lumingon pa siya saglit sa akin bago nagpahila sa mommy niya papunta sa naghihintay nilang Rolls Royce.
Hindi ko namalayan, tumutulo na pala ang luha ko. I looked at my clothes, my shoes, and my bag. Nothing is cheap among the things I wear or use. Pero bakit napagkamalan pa rin akong poor? Hindi pa siya naniwala na isa rin akong San Diego, ang isa sa pinakaprominenteng school benefactors. Ba't gano'n?
**********
I looked at the check then at Helena. Nang hindi ko iyon kinuha pinagduldulan niya sa akin. Halos ay ipasok na niya iyon sa bulsa ng pantalon ko.
"Hindi ko kailangan ang pera mo," sabi ko sa mahinang tinig.
"C'mon, Mon. This is a hundred grand. Baka pagsisihan mo. Kaunting tulong lang naman ito. Kung tutuusin this is nothing compared to what you have given me. You gave me another chance to live a normal life! I can never match that generosity kaya heto't gusto kong kahit papaano'y may maibigay naman ako sa iyo."
"I'm sorry, Ms. Bianchi. I didn't come here for the money."
Binaba na niya ang kamay na may hawak ng tseke. She stared at me. Iyong klase ng titig na para bagang sinusukat ang aking pagkatao.
"Don't be so proud, Mr. Batumbakal. I am not trying to buy you. I was just trying to be kind."
"I know you just want to be kind, but as I have told you already, I do not need the money. Just give it to charity if you want. Pero hindi ko matatanggap iyan."
"Well, if that's what you want, fine!" She sounded annoyed.
Tumayo na siya at isinukbit ang bag sa balikat. Tingin ko'y aalis na siya. My mind panicked. Naisip kong kung aalis siya ngayon marahil ay hindi na kami magkakaroon ng chance na maging malapit sa isa't isa. I hurriedly searched my brain for conversation ideas to keep her with me for a little bit longer but nothing interesting came into my consciousness. C'mon, Moses! Think! Tinagurian ka pa namang genius. Kung kaya mong makaisip ng state-of-the-art prototypes para sa kung anu-anong klaseng robots na pwedeng mapakinabangan ng tao, kaya mo ring maka-come up ng makabuluhang tema ng pag-uusapan.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
