Habang pinagmamasdan ko si Matias na walang kahirap-hirap sa pakikipaghuntahan sa mga girls nainggit ako. Ang dali-dali lang sa kanya ang lahat kaya palagi na lang siyang pinapaikutan ng mga magaganda naming kaeskwela. Maging ang ibang nasa high school department nga ay napapapunta pa sa gusali namin sa elementarya dahil kumalat sa buong St. John's na mayroong guwapung-guwapo na grade six pupil.
"Magkasing guwapo kayo ng Kuya Matias mo. Ang problema lang sa iyo wala kang compedens."
Napalingon ako sa umakbay sa akin. Nakangiti si Yaya Metring habang nakatingin kay Matty na walang humpay sa pambobola sa mga kaklase niyang magaganda. Nakita namin na sumenyas ito ng thumbs up sign sa direksiyon namin. Pagbaling ko sa kaliwa ko, nakita ko si Mang Andres at nakataas din ang hinlalaki habang nakangisi kay Matty. Mayamaya pa, tumatakbo na sa amin ang kuya ko. Bago siya dumeretso sa naghihintay naming sasakyan dinaanan muna niya ako para pitikin sa noo.
"Aray! Ano ba!" sigaw ko sa kanya at hinampas ko siya sa braso.
"Hoy! Biro lang iyong sa akin, ha? Dagukan kita riyan, eh!" At dinagukan nga ako ng gunggong.
Hindi na ako nakaganti sa kanya dahil bigla na lang lumitaw sa harapan namin si Helena. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at kay Matty. Tila may gustong itanong ngunit hindi rin natuloy. Pinamulahan agad ako ng pisngi sa mga titig niya.
"Hi there," nahihiya niyang bati. Pero mas kay Matty nakatingin. May inabot itong nakatiklop na kulay rosas na stationery sa kuya ko. "Someone asked me to give this to you," tila nangingiming sabi nito. Napalingon ito sa direksiyon ng isang grupo ng mga magaganda ring babae. Pagkatanggap ng kapatid ko ng sulat, nagtilian ang mga kaibigan niya. Patakbong bumalik sa kanila si Helena. They gave her a high five.
My heart sank.
**********
I thought I heard something kaya ako lumingon. Ang nakita ko lang ay mga turistang abala sa paglabas-masok sa hotel. Wala na si Helena. Malamang nga guni-guni ko lamang iyong narinig ko. Naipangako ko na sa sarili na hindi na ako magpapaapekto sa kanya pero kakaiba pa rin ang presensya niya. Mayroon pa rin siyang kakayahan na paikutin ang mundo ko kahit na mayroon nang Eloisa na nangangako ng isang libo't isang kaligayahan.
Napatingin ako sa hawak-hawak na cell phone. Umiilaw ito. Tumatawag si Morris. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang bukana ng parking lot. Akala ko magha-hang up na siya dahil hindi ko pinansin, pero hindi niya ako tinantanan.
"What's up? This should better be worth my time," bungad ko sa kanya. Nagkakabit na ako ng seatbelt no'n at inaayos na ang kalat sa dashboard.
"Matty just called up. He said Helena's in town. I just thought you might be interested."
"I saw here already."
"You did?"
Humalakhak ito. Halos hindi makapaniwala ang tono. "That's a huge improvement, bro. You're not a turtle anymore when it comes to women. So what's the deal between you two? Did she come to her senses and beg you to love her?" Lalong lumakas ang halakhak ng hinayupak.
"I'm driving, Morris. Will talk to you later." At pinutol ko na ang linya.
Hindi na ito natawag muli. Wala pang limang minuto nakatanggap ako ng text message kay Matias. Wala itong kung anong laman kundi tumatalon-talon na emoticon. Palagay ko naitsismis na ako ng hayop kong kapatid sa kuya naming bakulaw. Napailing-iling ako.
**********
Napahilot-hilot ako ng noo. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Heto ako. I travelled halfway around the globe just to be with a man who no longer needs me. Napabuga ako ng hangin.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
