Ilang araw na lang at ga-graduate na kami sa elementarya. Magiging junior high schoolers na kaming tatlo, pero hindi pa rin ako kinikibo nila Bea at Candy. Mag-iisang buwan na nila akong tinitiis. Bakit ganoon? Wala naman akong kasalanan.
Papunta ako sa PE class ko sa gym nang maispatan ko si Candy at Bea na naghaharutan sa hallway. Doon din yata ang punta nila. Kumaway ako. Kakaway din sana si Bea sa akin pero binaba ni Candy ang kamay niya at patakbo silang lumayo. Parang nalantang gulay ang pakiramdam ko. Kung hindi ko sila kaibigan, hindi ko siguro masyadong iindahin ang pang-iisnab nila. Sanay naman akong pinaparinggan at tinatarayan ng mga kaklase't kaeswela namin nang mapag-alaman nilang 'kabit' lang ng isang Italyano ang mama ko. Mga galing kasi sila lahat sa tinatawag na 'buena' pamilya.
"Alam mo, hindi ka dapat nalulungkot, eh."
Napalingon ako sa biglang nagsalita sa likuran ko. Nakita ko si Matias. He looked so confident and so mature. Kung tutuusin ay isang taon lang naman ang agwat niya sa amin.
Pinupunasan niya ng laylayan ng Gucci shirt niya ang hawak-hawak na itim na Ray-Ban. Pagkatapos ay isinuot na ito. Kung guwapo siya nang walang suot na salamin, mas lalo siyang gumwapo ngayon dahil bumagay sa kanya ang sunglasses. Para siyang isang modelo.
"You did not lose them because real friends cannot be lost. You just lose fake people pretending to be your friends. You are better off without them so hold your head high. Halika. I'll walk you to your next class."
Bago ko pa mahulaan ang gagawin niya'y kinuha na niya ang kamay ko't hinila niya ako papunta sa gym. Everybody gasped as we walked hand in hand to my PE class. Ako nama'y naasiwa sa atensiyong nakukuha namin sa mga kaklase't kaeswela, lalung-lalo na sa mga kababaihan kung kaya I gently withdrew my hand from his grasp.
"Salamat, Matias," nahihiya kong sabi. "I'll walk alone from here," sabi ko pa.
"Okay," pakli niya.
Hindi niya ako pinigilan. Tinaas niya lamang ang kanang kamay at tila nakikipag-fist bump sa ere. When I followed the direction of his gesture, I saw Moses. He was gesturing the same to his brother. Nasa bukana siya ng gym at nakabihis na ng pang-basketball. I quietly walked towards him. Nag-hi siya nang dumaan ako. Tumango lang ako.
Pagdating ko sa locker para magbihis, naabutan ko ang dalawa kong kaibigan. To my great surprise, they hugged me tightly. They even kissed my cheeks.
"We missed you, Helena! I hope we can be friends again!"
**********
Nainis ako't hindi ko nagawang makakuha ng appointment sa pinakamagaling na party planner sa buong Virginia. Fully booked na raw sila hanggang Disyembre na kung tutuusin ay Agosto pa lang ngayon. Gusto ko kasi sanang sorpresahin si Moses sa kanyang kaarawan. Sa dami ng mga nagawa niya para sa akin, I felt he deserved it. Kaso nga lang, wala akong makakatuwang sa paggawa no'n. Naalala ko tuloy sina Bea at Candy. Kung magkakasama pa kaming tatlo, disin sana'y hindi ko na pinoproblema ang mga ganitong okasyon. Creative sila pareho at kayang-kaya nilang mag-organize ng kahit anong social gathering ora-orada.
Habang naghahanap ako ng kompanya na maari kong kontratahin para rito, tumunog ang cell phone ko. Si Moses. Awtomatikong nakaramdam agad ako ng excitement. Tumikhim-tikhim ako nang ilang beses para gumanda ang boses ko. I wanted to sound sexy but instead it came out like a surprised hen. Bigla na lang kasi niyang binalita na nag-suicide si Candy.
"You're nuts! You could have broken it to me gently!" reklamo ko.
"It's on TV right now. I was afraid that you'll see it from the News Central first kaya inunahan ko na. Hindi ka ba nanonood ng TV ngayon?"
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
