CHAPTER TWENTY-SEVEN

10.7K 547 103
                                    

Nang siya na ang umakyat sa stage para kunin ang kanyang award bilang best entrepreneur sa lahat ng grade five pupils, napasinghap ako. Tingin ko siya na ang pinakamagandang batang babae nang oras na iyon.

"Who is she?" pabulong na tanong sa akin ni Mom. Kinalabit pa ako. Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan. Napakurap-kurap ako habang nakatingin sa mommy ko. Inulit nito ang tanong. Ewan ko ba. Bigla na lang nag-init ang mukha ko at pinagpawisan pa ako kahit na sobrang lamig ng aircon sa little theater ng campus kung saan ginaganap ang recognition day ng eskwelahan. Sinipat ni Mommy ng tingin ang aking mukha. Lalo tuloy akong naasiwa.

"She's---uhh----Helena. The transferee," pautal-utal kong sagot. Tumikhim pa ako pagkatapos to clear my throat at para na rin disimulahin ang bigla kong pagkataranta.

"That's his greatest crush, Mom," humahagikhik namang sabat ni Morris sa kaliwang gilid ni Mom. Pinandilatan ko siya para bawiin niya ang sinabi pero lalo lamang iyong idiniin. Nahiya tuloy ako sa mommy namin.

Hindi agad nagkomento si Mom. Tiningnan niya lang muli si Helena. Naglalakad na ito pababa ng hagdan habang hawak-hawak ang napanalunang tropeo.

"She's very pretty. And smart, too, huh?" sabi nito makaraan ang ilang sandali. Pakiramdam ko ako na ang pinaka-proud na batang lalaki nang mga oras na iyon.

"Yes, Mom. She's smart and beautiful. Kaya nga gustung-gusto siya ni Moses. Iba siya sa ibang girls daw. May utak kasi."

Hindi na ako nakatiis. Pinampalo ko sa kamay ni Morris ang nirolyo kong certificate sa napanalunan kong patimpalak sa robotics. Pinagsabihan kami ni Mom. Bahagya nitong siniko si Morris dahil kahit na nahampas ko na'y sige pa rin siya sa kakadakdak tungkol sa pagkahumaling ko kay Helena na lalo ko namang ikinainis.

"She looks a bit familiar. Parang nakita ko na siya before. Kanino siyang anak?" tanong pa ni Mom. She tilted her head sa paraang tila nag-isip nang malalim.

"I have no idea, Mom. I heard her father is Italian kaya siya Bianchi."

Napatangu-tango si Mom at tiningnan niya uli si Helena na ngayo'y papunta na sa upuan niya na nasa unahan ng hanay. Alphabetical order kasi ang arrangement namin doon. Isang parent at isang extra guest ang pwedeng makiupo kasama ang mga pinarangalang mag-aaral ng taon. Si Mom ang parent representative ko dahil hindi pwede si Dad at ang asungot na Morris ang extra guest ko na ngayo'y pinagsisihan ko na. Ang dami kasing dinaldal sa mommy namin.

Mayamaya pa, napasimangot si Mom habang nakasulyap kay Helena at sa Mommy nito. Tapos bumaling siya sa akin at masuyo akong hinagkan sa ulo.

"Mom?" nagtataka kong tanong.

Hindi siya sumagot. She just gave me a sad smile.

**********

Pinisil ko ang kamay ni Helena para i-assure siya na okay lang ang lahat. Hindi nangangain o nangangagat ang mga magulang ko.

"You've met my dad before in Virginia. He's the coolest dad in this planet. He doesn't interfere with our affairs. He just let us be," sabi ko pa sa kanya. Hindi na kasi siya mapakali. Ilang beses na nga akong binulungan na what if daw i-postpone na lang namin ang meet the parents? Total naman daw ay nakadaupang-palad na niya ang daddy noong pinakilala ko ito sa kanila sa bahay nila mismo sa Richmond.

Tinawanan ko lamang iyon. To assure her further, I kissed her hand and then hugged her tightly. "Does that make you feel better?" tanong ko pa.

"Y-yeah. Thanks a lot, Mon---I mean, Moses."

"It's all right. You can continue on calling me Mon. Ibig sabihin kasi niyan ay mahirap pa rin ang tingin mo sa akin at kahit na ganoon lang ako ay minahal mo pa rin ako."

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon