Nagising ako nang marinig ang sigaw ni Mama ng pagmamakaawa. Dali-dali akong bumangon. Ni hindi ko na naisuot ang bedroom slippers ko dahil sa takot na baka hindi ko siya maabutang buhay kung kukupad-kupad ako sa pagkilos. Sinundan ko ang pinanggalingan ng tinig niya at nakita ko siya sa bukana ng kuwarto ni Ximena. Nakatalungko siya sa harap ng pintuan at impit nang umiiyak. Nilapitan ko siya't niyakap habang nakaluhod sa harapan niya. Nagpahid siya agad ng luha at nagkunwari pang okay lang ang lahat.
"Sinaktan na naman ba kayo ni Papa?"
"No, anak! Kaya umiiyak si Mama dahil may sakit ang kapatid mo."
Nangunot ang noo ko. Kung may sakit si Ximena bakit nandito siya sa labas ng pintuan umiiyak? Tatayo na sana ako para pasukin ang kapatid ko nang pigilan niya ako.
"Wala na siya riyan. Dinala na siya ng papa mo sa ospital."
"Ha? E bakit pa tayo narito? 'Lika na at sundan natin sila. Gusto ko ring makita si Ximena. Baka kung napaano na siya!"
Malungkot na umiling-iling si Mama. At niyakap niya ako nang mahigpit. Hindi ko na nakita pa si Papa o si Ximena simula nang araw na iyon. Kaya nang sumunod na linggo dalawa lang kami ni Mama ang nagdiwang ng ikapitong kaarawan ko.
**********
Pakiramdam ko tumigil sa pag-inog ang mundo. Everything was a blur. Ang tanging nakikita ko lamang ay si Mon at ang gumagalaw-galaw niyang Adam's apple. Nakatitig din siya sa akin nang matiim. May kakaiba akong napansin sa mga mata niya. Tila---may espesyal siyang pagtatangi sa akin. Siyempre naman, Helena! Sino ba naman ang nakaka-resist sa ganda mo? Pinilig-pilig ko ang ulo at sinikap na patigasin ang ekspresyon ng mukha.
"Do you know what you just did?"
I tried to make my voice sound stern and threatening, but it came out like a lovestruck teenager. Tumikhim-tikhim ako para makakuha ng buwelo. Kailangan kong maipakita sa lalaking ito kung sino ako at sino siya sa kompanyang ito!
"Yeah. I kissed you," sagot ng damuho in a throaty voice. Nagpipigil ako, pero hindi ko pa rin nasupil ang kakaibang excitement na nadama sa simpleng sagot na iyon.
"Yeah, you did! And you know what? I could sue you for sexual harassment!"
Ngumisi ang hudas na janitor na para bagang may nasabi akong sobrang nakakatawa.
"You don't think I can walk my talk?"
"I'm sure you can."
Iyon naman pala! Bakit hindi ka natatakot, damuho ka!
"But the kiss was consensual. So ano ang sexual harassment doon?"
"It wasn't! You just caught me off guard!"
Ngumisi na naman ang hudas. Gustung-gusto ko na siyang pagsasampalin. Walang sino man ang nanggaganito kay Helena Bianchi!
Magsasalita pa sana ako ng mas maanghang at mas nakakapanginig na pagbabanta nang bigla na lang siyang nagpaalam sa pamamagitan ng pag-hand salute at tumalikod na agad. Hindi ba dapat ako ang gumagawa no'n? I should be the one dismissing him like that!
"Hey! Who said you can go? I'm still talk---" Hindi ko nabuo ang sasabihin dahil bumulaga sa aking paningin ang middle finger na nakaguhit sa likuran ng oversize niyang t-shirt. Sumulak ang dugo sa ulo ko. Nanginig ako sa galit.
Bago siya tuluyang lumiko papuntang elevator, humarap siya uli sa akin. Nginitian niya ako nang pagkatamis-tamis sabay sabi ng, "See you tomorrow, Ms. Helena!"
"You're fired!!!" sigaw ko sa kanya.
**********
Natigil ako pagkakita sa area ng parking lot kung saan ko iniwan ang sasakyan. Sa tabi ng Maserati ko'y may nag-park din ng Ferrari niya. Okay lang naman iyon sa akin. Hindi problema kung mukhang parang pinangangalandakan niyang maganda nga ang kotse ko't astig, mas maganda at mahal naman ang kanya. Ang kinabubwisit ko ay ang paglampas niya sa guhit na tila bagang sinasabing ako ang hari, give way to the king!
![](https://img.wattpad.com/cover/154566408-288-k25563.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...