CHAPTER THIRTY-TWO

9.2K 486 60
                                    

Natigil ako sa pagtawa nang makitang seryoso si Candy. Nang sinulyapan ko si Bea nakatutok na rin ang mga mata nito sa kaibigan namin. Nangungunot pa ang kanyang noo.

"Don't tell us you're head-over-heels in love with that---that guy!" nasabi pa ni Bea. Larawan ito ng pagkamangha.

Hindi na ako kumibo pa kasi'y naisatinig na niya ang kanina pa'y ikinagulat ko rin. Tiningnan ko nga uli sa hindi kalayuan ang paksa ng aming usapan. Nahuli ko itong nakatingin din sa direksiyon namin. Nang magtama ang aming mga mata'y napayuko ito. Pinahiran nito ang mga salamin bago binalik muli sa ibabaw ng matangos nitong ilong na tingin ko'y nag-iisang kahanga-hanga sa features niya. Everything about him screamed N-E-R-D. Kaya hindi namin maintindihan ni Bea kung bakit ganoon na lamang ang pagkahumaling ni Candy dito na nakuha pa niyang pag-taasan kami ng boses na mga kaibigan niya dahil lang kinatiyawan namin iyong kulugong iyon.

"So what if I am?" Mahina na ang tinig ni Candy. Parang na-sense ko ang kanyang pag-aalala. Ganunpaman, hindi niya pinakita na ikinahihiya niya iyon.

Nagkatinginan kami ni Bea. Then, we burst out laughing.

"Hey! Ano ka ba? We are your friends. Of course, okay lang sa amin," sabi ko sa kanya. Inakabayan ko pa siya at pinisil-pisil ang balikat.

Nakita kong umaliwalas ang kanyang mukha.

"Are you sure? You are not in any way interested in him?" tanong ni Candy. Sa akin siya nakatingin. Napabunghalit ako ng tawa.

"Is that what you're worried about?" paniniguro ko.

"Are you sure, Helena? He seemed to like you!"

"Candy, Candy. Just because a guy likes Helena doesn't mean Helena will like him, too. Our friend here has tastes na hindi kagaya ng iba riyan."

Inirapan siya ni Candy. Tapos natawa ito. Siguro dahil nakita niya sa ekspresyon sa mukha ko na totoo ang sinabi ni Bea.

Ang weird ng babaeng ito. Ako, iniisip niyang magkakagusto sa nerd na iyon? No way! Wala akong pakialam kung mayaman ang pamilya nila. Hindi ko siya type at never na matitipuhan!

**********

Hindi ko alam pero labis na labis ang pagngingitngit ko nang marinig siyang mag-propose muli. Naipon ang ilang buwan kong pagsisintir sa kanya. Parang pinaalala niya sa akin ang mga nagdaang hinagpis na akala ko'y nalampasan ko na.

"Helena Rosanna Martinez Francisco Bianchi, will you marry me?" ulit ni Moses. Larawan na ng pag-aalala ang kanyang mukha. Ganunpaman, hindi pa rin siya tumatayo sa pagkakaluhod kahit na tinititigan na siya ng mga tao sa paligid.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob bago ko siya buong tapang na sinagot.

"N-no. No, I am not going to marry you, Moses San Diego," sabi ko sa mahina ngunit mariing tinig. Dahan-dahan akong tumayo. Naliyo ako nang kaunti kaya napatukod ako sa gilid ng mesa. Mabilis sana siyang umalalay sa akin ngunit tinabig ko ang kanyang kamay. Hindi naman siya nagpumilit.

"I-I have to go n-now. I guess there's no reason for me to stay here."

"I understand, Helena," sagot niya sa mahinang tinig.

Hindi ko natiis. Bago ako lumayo sa mesa namin, sinulyapan ko siya. Parang dinurog ang puso ko sa nakitang kalungkutan sa kanyang mga mata. Bibigay na naman sana ako, pero bago pa magbago ang aking isipan ay dali-dali na akong tumalikod.

"Goodbye, Mon---Moses," naibulong ko habang papalabas ng restawrang iyon.

**********

Nang makaalis na si Helena, para akong lantang gulay na napatitig lang sa isang pulumpon na rosas na basta na lang niya iniwan roon. A huge part of me felt like dying. Sa tindi ng naramdamang sakit, ni hindi ko na alintanang pinagbubulungan na ng mga naroon ang nasaksihan nilang failed marriage proposal.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon