CHAPTER THIRTY-NINE

9.7K 463 18
                                    

May naramdaman akong kakaiba kina Candy at Bea. They seemed aloof now. Ano ba ang kasalanan ko sa kanila? Pinaghihinalaan ba nila ako? Wala akong gusto sa mga crushes nila, ha! My God! Guwapo si Matias, pero he's too much of a player for me. Ang dami niyang girls. At tingin ko mahilig talaga siya sa mas matanda sa kanya. Nakita ko nga siyang panay college girls na ang dini-deyt eh. Bakit siya magkakainteres sa isang grade seven like me? Kung iyong kapatid naman niyang si Moses San Diego, my God, no! He's not my type and never will be. Ang nerd-nerd niya kaya! Ang baduy!

"May problema ba tayong tatlo?" tanong ko with all my guts sa mga kaibigan ko. Nasa canteen kami nang mga oras na iyon. They were having their merienda. Nauna sila sa akin. For the first time, hindi nila ako hinintay gaya ng nakagawian namin.

"What prob---," sagot sana ni Bea pero kaagad siyang pinigilan ni Candy. Hinawakan siya sa kamay. Kapwa sila tumahimik. They ate their sandwiches like I wasn't there at all.

When I tried to sit beside them, they started to leave. My heart sank. Mawawalan na ba ako ng mga kaibigan? Gusto kong maiyak. Ang hirap ng walang kasama sa St. John's Academy. Maraming bullies sa paligid.

I looked at their backs sadly. Noon ko napagtanto na nawala na sila sa buhay ko at iyon ay dahil sa paglapit-lapit ng nerd na iyon sa akin.

"Well, well, well. Look who's here? Alone."

Nang tingalain ko ang pinanggalingan ng boses, nakita ko ang isang bruhang kaaway ng grupo namin. Anak siya ng isang town mayor. Lagi niya kaming inaasar na tatlo, pero noon dahil kasama ko ang mga kaibigan ko'y hindi ako takot sa kanya---sa kanila. Mas bitchy kasi si Candy sa kanya. Doon pa lang sa kaibigan kong iyon wala na silang panamang tatlo.

To avoid her and her two minions, tumayo ako at lalabas na rin sana ng canteen nang bigla niyang hilahin ang ponytail ko. Napaaray ako.

"I am still talking to you, bitch!"

"I'm not here for trouble. Please let me go!"

"Well, sorry, my dear. Trouble is looking for you."

Hinila niya uli ang buhok ko. This time, tinulungan na siya ng mga kaibigan. Sinabunutan nila akong tatlo. I tried to get away from them, but they were more powerful. Naingudngud nila ako sa mesa habang nagtatawanan sila. No'n dumating si Moses.

"What are you girls doing to Helena?" mahinahon niyang tanong sa mga ito.

Binitiwan nila ang buhok ko. Hinarap nila si Moses nang taas-noo. I sensed that the leader of the pack is also into him. Hindi ako makapaniwala.

"We're just making lambing to her, Moses. You know us."

"No. You were pulling her hair."

They pouted their lips. At nang tumalikod si Moses para lapitan ako at tanungin kung okay lang ako, inirapan nila akong tatlo. Ang isa'y nambelat pa. Parang kinder.

Habang inaalam ni Moses kung okay lang ako, bumalik sila Candy at Bea sa canteen. Nagkapag-asa ako. Here comes my back up. Pero kung gaano ka bilis sumibol ang pag-asa ko, ganon din kabilis nawala iyon.

"See what I mean, Bea?" nakahalukipkip na sabi ni Candy kay Bea.

"No! It's not what it seems!" tutol ko.

Hahabulin ko sana sila, pero hayun na naman at iniwan nila ako.

"They're not good friends," sabi ng pamilyar na tinig sa likuran ko. When I looked back, I saw Matias. He was carrying a tray with three plates. Natakam ako sa fried chicken na ulam. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa makita kong nilapag niya ang tray sa hindi kalayuan sa kinaroroonan namin ng kapatid niya.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon