CHAPTER NINE

12.2K 534 31
                                    


Napatingala ako sa mansion na pinagdalhan sa amin ng driver ng Mercedez na sumundo sa amin kanina sa Barangay Pulang Bato. Iyon na yata ang pinakamagandang tahanang nasilayan ko sa tanang buhay ko.

"Kaninong bahay ito, Mama? Bakit tayo naririto?"

Ngumiti si Mama at ginulu-gulo ang buhok ko.

"Ito na ang bago nating bahay, anak. Hindi na tayo babalik sa mabaho at maruming barung-barong natin."

May parang bombilyang umilaw sa isipan ko. Biglang dumagundong ang puso ko sa pananabik. Iisa lang ang ibig sabihin nito. Nagkabalikan na sila Mama't Papa! Makikita ko na rin ang ama ko at ang kapatid kong si Ximena!

"Siyanga po? Pinapasundo na ba tayo ni Papa? Magsasama-sama na ba tayong muli?"

Nalungkot ang mukha ni Mama. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Tila bigla siyang nag-alala. Sumulyap siya muna sa mansion bago nagsalita.

"Nagkabalikan kami ng p-papa mo. Iyong tunay mong ama hindi iyong d-dati mong papa."

Awtomatikong pinangiliran ako ng luha. Nagprotesta agad ang puso't isipan ko. Ayaw ko sa Italyanong iyon! Iisa lang ang papa ko at iyon ay walang iba kundi si Papa Fernando!

**********

Hindi ko alam kung ano ang gagawin nang nasa loob na ng sariling silid. Palakad-lakad akong parang baliw. At the back of my head, parang tuksong paulit-ulit na lumilitaw ang halos hubo't hubad na larawan ni Mon Batumbakal. Nakita ko na noon ang hitsura niyang halos ganoon lang din ang saplot, pero iba iyon e. Nasa beach kami no'n kaya okay lang. This time nasa pamamahay ko na siya!

Napaupo ako sa kama at wala sa loob na kinagat-kagat ang mga kuko sa daliri. Tensyonado ako masyado. First time na may pumuntang lalaki sa bahay ko at ang janitor pang iyon! Hindi lamang siya humilata nang halos walang saplot sa couch ko. Siya pa ang naghubad ng damit ko kagabi! Shit talaga! Nakakagigil!

Napatayo ako bigla nang may marinig na ugong ng sasakyan sa ibaba. Sumilip ako sa bintana. Timing naman na lumabas ng front door ko ang hinayupak. Nakabihis na siya ngayon ng faded maong jeans at light blue sweater. Bumukas ang passenger's seat ng Aston Martin Vantage na nakaparada sa hindi kalayuan sa bahay at pumasok doon si Mon. Nakakapagtaka. Sino ang sumundo sa kanya? At paanong magkaroon ng kakilalang may-ari ng isang luxury car ang isang hamak na janitor lamang? Dali-dali kong tinawagan si Bea.

"Wow, sissy! Grabe ka naman kung makapagsalita. Just because he's a janitor doesn't mean he has no rich friends. Who knows?"

"Of course, it is possible for him to have rich friends. But there's something in him that just doesn't add up to what he was trying to portray. I don't know. I think he's hiding something."

Tumawa si Bea. "Don't tell me you're beginning to be obssessed with your janitor? Naiintriga na tuloy ako riyan. Guwapo ba talaga iyan? Baka pupwede kong gawing diversion iyan while I'm trying to mend my broken heart?"

"Magtigil ka! Got to go." At binaba ko na ang telepono.

**********

Napapangiti ako habang nagsa-shower sa bahay nang umagang iyon. Hindi ko sukat akalain na matutupad agad-agad ang isa sa pantasya ko sa buhay---ang masilayan ang kahubdan ni Helena Bianchi. Fvck! Tinigasan na naman ako nang maalala ang makinis niyang kutis. Don't get me wrong. I am used to seeing beautiful women naked but Helena is different. I have always fantasized about her since high school. Akala ko nga noon nakalimutan ko na siya nang una akong magka-girlfriend at the age of seventeen. Hindi pala. Kahit sino ang nakarelasyon ko, hindi nila kayang burahin ang espesyal na pagtatangi ko sa babaeng iyon.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon