Napanganga ako nang makita ang mga kaklase ko sa ballroom ng mini-hotel ng school namin. Doon kasi ang celebration ng Christmas party naming mga grade six pupils. Paanong hindi ako mapanganga? Lahat sila'y halos naka-gown! Daig pa nila ang pupunta sa isang sayawan ng mga engkantada. Napatingin ako sa suot ko at biglang nalungkot. Kung papasok ako sa loob, ako lang ang mukhang basahan. Paano kasi nakapang-Sunday dress lang ako. Isang maluwang at mahabang paldang bulaklakin na pinaresan ng blusang puti na gawa sa chiffon. Lulugu-lugo akong umatras at lumayo na roon.
Nang mapaangat ako ng mukha napansin ko ang mga mayayabong na bulaklak sa paligid. Nakarating na pala ako sa hardin ng eskwelahan! Nabighani ako sa ganda ng mga rosas at gumamela na una kong nasilayan doon. Napalapit ako sa kanila. Hihipuin ko na sana ang malalapad na petals ng huli nang may maalala. Sa pagkakadikit nito sa isang mabango at magandang bulaklak kagaya ng rosas, nagmistula itong dugyot. Parang ako. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Shit! What are we doing here? There are mosquitos everywhere! My gosh!" narinig kong reklamo ng isang maarteng dalaga.
Sinundan ko ang tinig ng babae at napamulagat ako nang makita kong nakalingkis siya kay Matias San Diego. She looked so sophisticated and beautiful. Kaso nga lang, kakaiba siya manamit. Tingin ko tatlo o apat na taon lang ang tinanda niya sa akin pero nakalabas na ang cleavage niya. Paanong ang isang mga kinse anyos na babae ay maumbok na roon? Tiningnan ko tuloy ang akin na mukhang ni hindi pa sumisibol.
Aalis na sana ako roon nang makita kong papunta sila sa kinaroroonan ko. Nataranta ako. Kung lalabas ako ng hardin, makikita nila akong dalawa at baka paghinalaan pang naninilip. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala nang oras. Nang ilang talampakan na lang ang layo nila, napatalungko ako at nagkubli sa isang madahong halaman. Pigil-hiningang hinintay ko silang lumagpas pero naramdaman kong tumigil sila sa hindi kalayuan sa akin.
"I want you to look at these flowers, Marie. Which one do you think is more beautiful?"
Tumawa ang tinawag na Marie. "The roses of course!" sagot agad nito.
"Which one represents you more?" tanong uli ni Matias..
"Do I need to answer that question? Isn't it obvious?"
"Just answer my question," seryosong utos ni Matias..
Napabuga ng hangin si Marie at sa tonong naiinis ay sumagot ng, "The roses---duh!"
"Good. At least it came from you. You see, Marie, I'm the type of guy who doesn't easily fall for a rose. What I want is a gumamela---beautiful in its simplicity."
"What?!" halos ay naitili ni Marie. Gulat na gulat.
Hindi na sumagot si Matias. Narinig ko na lang ang papalayo nitong hakbang. Hinabol siya ni Marie. Galit na galit ito.
Nang wala na sila sa hardin, saka lang ako tumayo sa kinaroroonan at napangiti ako. Hinaplos ko na ang mga petals ng gumamela at inamoy-amoy pa ito bago lumayo na rin doon. Pagdating ko sa bukana ng hardin, nakita ko si Moses na tila palinga-linga. Nang magtama ang paningin namin tila bigla siyang nalungkot.
**********
Napanganga ako nang makita si Moses na prenteng-prente na nakapamulsa habang papalapit sa akin. Ilang buwan ko lamang siyang hindi nakita ngunit parang may nagbago sa kanya. Maikling-maikli na ang gupit ng kanyang buhok. Daig pa ang bagong recruit na sundalo. Iyon marahil ang nagbigay sa kanya ng maotoridad na aura. Idagdag pa riyan ang designer suit niya ngayon. Ngayon ko lang siya nakitaan ng ganoon ka garbong kasuotan. Kahit kasi noong nagpakilala na siyang isang San Diego hindi naman siya nagbago ng pananamit. Kung magsuot man siya noon ng mga pormal na kasuotan, iyon ay mga hindi kamahalang tatak.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomansSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
