CHAPTER TEN

12.9K 519 42
                                    

Hinatid ako ng sasakyan ng Italyano sa bago kong paaralan, ang St. John's Academy. Oo, Italyano pa rin ang tawag ko sa mamang iyon. Hindi ko pa rin kayang tawagin siyang papa dahil para sa akin ang Papa Fernando ko pa rin ang papa ko. Wala akong pakialam kung ang Italyanong iyon ang tunay kong ama.

"Hi there. You must be the transferee. How are you doing?"

Natigil ako sa pagtingin-tingin sa magara naming paligid. I looked at her interestingly. Ang cute-cute niya kahit medyo chubby. Mula sa maganda niyang ponytail hanggang sa suot-suot niyang sapatos ang ganda niya tingnan. Ang bango-bango pa niya. Naalala ko si Zinnie, ang suplada kong kaklase sa Mababang Paaralan ng Pulang Bato, sa kanya. Nag-atubili akong sumagot. Baka nagbabait-baitan lang siya. Baka katulad din siya ni Zinnie.

"By the way, I'm Bea Forrester and you are---?"

Napatingin muna ako sa nakaunat niyang kamay bago sumagot nang pabulol. "H-Helena. H-Helena F-Francisco."

"It's nice meeting you, Helena."

Mayamaya pa, dumating na ang classroom adviser namin. Nagsipag-upo na kami sa nakatokang silya para sa amin. Dahil naaayon sa apelyido ang sitting arrangement, hinanap ko sa hanay ng mga F ang upuan ko. Wala akong nakitang Francisco. Ako na lamang ang hindi pa nauupo. Kinawayan ako ng aming guro at dinala sa bandang harapan. Nakita kong HELENA BIANCHI ang nakasulat sa desk ko kaya bigla akong naiyak.

"Hija, what's wrong?" nag-aalalang tanong ng guro.

Hindi ako sumagot. Humagulgol lang ako nang humagulgol. Nilapitan ako ni Bea at ng isa pa naming kaklase. Inalo nila akong dalawa. That's how I got to know my BFFs, Bea and Candy.

**********

Dahil muntik na akong ma-kidnap ng dalawang Venezuelan, hindi na pumayag si Papa na hindi ako pabantayan. Kumuha na ito ng regular kong bodyguards. Dalawang mukhang sangganong Italyano. Okay lang naman iyon sa akin. Ang kaso masyadong OA ang napili niyang tagabantay ko. Ultimo sa upisina'y kasa-kasama ko sila. Sa banyo lamang nila ako iniiwang mag-isa. Nakakasakal na! Lalo tuloy akong naging bugnutin. Kaunting kibot, umiinit na ang ulo ko.

"Where the fvck is your common sense?!" sigaw ko sa matanda kong sekretarya. Isipin mo, nakalimutan niya raw i-log ang isa sa mga importanteng memo na pinagawa ko sa kanya at pinabigay sa lahat ng mga empleyado noong isang buwan. Ngayo'y wala kaming proof na nailabas nga ng office ko ang memo na iyon. At napakaimportante n'yon dahil kung wala iyon masasabing nagtatanggal ako ng tao nang walang pasabi.

"I'm---I'm s-sorry, Ms. Bianchi."

"Sorry? Do you think your sorry can prevent the employees from suing me?"

"It will not --- it will not happen again, Ms. Bianchi!"

"You're damn right! It will not happen again because you're fired!"

Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. Sino ang hindi magugulat? She has been with the company for almost two decades.

"You're fired, Ms. Smith. Now, go!"

"You can't do this to me, Ms. Bianchi," umiiyak na sagot ng matanda. Tiningnan ko siya nang masama at inismiran.

"I just did. I just fired you."

Nakita kong umigting ang bagang ng dalawa kong bodyguards nang humahagulgol na ang matanda, pero nanatili silang tahimik. Pati sila'y tinapunan ko ng masamang tingin.

"Don't judge me! Isa pa kayo! Pinapainit n'yo rin ang ulo ko!"

**********

"Mon!" may pananabik na bulalas ni Andy nang makita niya ako sa building ng Bianchi-Moretti Corporation. Nagpalinga-linga muna siya bago niya ako niyakap. "It's good to see you, man! How have you been?"

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon