Ang lakas ng tawa namin ni Bea nang sa wakas ay mapansin kami ni Matias San Diego. Kinindatan niya si Bea sabay pabirong nag-salute rito bago humarap sa bolang sisipain niya. Nang mga oras na iyon ay mayroong free kick ang soccer team niya at bilang team captain siya ang naatasang magsagawa noon.
Patas ang dalawang koponan, ang St. John's Academy at ang Philippine International School. Iyon ang dahilan kung kaya halos nagra-riot na ang crowd na nakapaikot sa soccer field ng eskwelahan namin. Bukod doon, siyempre nagwawala rin ang mga babaeng fans ni Matias San Diego. Kasama na kaming magkakaibigan doon.
"Ang guwapo talaga niya! Hay!" kilig na kilig pang sabi ni Bea habang hinahampas at kinukurut-kurot niya ako sa tagiliran. Sinang-ayunan ko naman siya, pero mabilis na umikot ang mga mata ko sa bleachers. Hinanap ko kung nanood din sa laro nila ang Kuya Marius niya. Alam ko kasing sa St. John's din nag-aaral iyon. Kaso nga lang mas matanda siya nang hindi hamak sa amin.
Nalungkot ako nang bahagya nang makita kong wala siya sa hanay ng mga manonood. Pagbaling ko sa bandang kaliwa namin ni Bea, nahagip naman ng paningin ko ang nakasalaming San Diego. Napatungo siya agad nang magtama ang aming paningin.
"Ayiiee! Napatingin siya sa akin!" tili naman ni Candy. She was on my left. Pinapagitnaan nila ako ni Bea.
Hinampas ni Bea si Candy at pinagsabihan. "Find your own guy! Matias is mine." The former's big, brown eyes were a picture of irritation. Napailing-iling-iling ako sa kanilang dalawa.
"You can have Matias San Diego for all I care. I do not give a fvck about him. Iba ang gusto ko," pagtataray naman kunwari sa kanya ni Candy.
Sinundan namin ni Bea ang sinusulyap-sulyapan niya at pinangunutan kami ng noo.
"You like that nerd?" halos ay sabay naming tanong.
Candy giggled and hugged herself. Parang sinisilihan ang singit ng bruha. Natawa kami ni Bea sa kanya. Type nga ng haliparot si Moses San Diego.
**********
Ang higpit ng yakap sa akin ni Moses. Parang madudurog ang aking mga buto. Sinikap kong makawala sa mga bisig niya kahit na medyo nanghihina pa rin ako. Nang magtama ang aming paningin, sinipat ko ang kanyang mukha. Hilam din sa luha ang pisngi niya at parang mayroong iniindang sakit. Hindi na niya kailangan pang sumagot sa katanungan ko para malaman kong...
"Oh God! No! No! My baby!"
"Where are you going?" nababahala niyang tanong. Nagpumiglas kasi akong makababa ng kama.
"I need to talk to the doctor. They have to do something!"
Moses cupped my cheeks and gently kissed my forehead. Tumulo ang butil-butil niyang luha. Nagsanib sila ng akin sa tungki ng aking ilong.
"I love you, Helena. I love you so much," paulit-ulit niyang bulong habang masuyo akong hinahagkan sa noo. "She's not meant for us. We have to accept it."
"Nooooooo!" sigaw ko.
Iba pa rin pala kapag narinig mo na talaga ang katotohanan. Parang may sumaksak ng punyal sa puso ko at ginutay-gutay ito. Hindi ko maipaliwanag ang sakit ng naramdaman ko nang mga oras na iyon. Dagdag pang pasakit ang guilt ko. Mayroon akong mga pagsisisi. Parang tuksong sunud-sunod na nagsilitawan sa aking isipan ang mga pinaggagawa ko na naglagay sa panganib sa bata na naiwasan ko sana kung hindi mataas ang pride ko. Disin sana'y hindi siya nawala.
Gosh, she's gone! My little princess is gone!
Moses hugged me again. He sobbed on my shoulders, too. We both bawled like a child for losing our baby girl.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...