Lalapit na sana ako kay Mama sa kumedor nang mapansing nagpapahid siya ng luha habang nakatunghay sa isang pahina ng diyaryo. Tumingkayad ako para masilayan kung ano ang binabasa niya. Nakita ko ang ang mga katagang Entertainment News na nakasulat sa malalaking titik. Pinangunutan ako ng noo. Bakit iniiyakan ni Mama ang balita kung pang-entertainment naman iyon? Naramdaman niya siguro ang presensya ko dahil bigla na lang siyang lumingon. Pagkakita niya sa akin sinenyasan niya akong lumapit. Nilapag din niya ang binabasa sa hapag-kainan.
"O, kumain ka na. Pinahanda ko sa katulong ang mga paborito mong kainin."
Pinasadahan ko lang ng tingin ang nakahain na colorless tocino at hotdog sa mesa at pinagmasdang mabuti ang kanyang mukha.
"Umiyak ba kayo, Mama?" tanong ko. Hindi ko na napigilan ang kuryusidad.
Natigilan siya. Nang makabawi ay ngumiti siya sa akin nang pilit.
"Napuwing lang ang mama. O, kumain ka na." At nilagyan na niya ng sinangag ang plato ko. "Bilisan mo ang pagkilos dahil mamaya nang kaunti ay bababa na rin ang Papa mo. Isasabay ka raw niya sa pagpasok today," ang sabi pa habang maingat na pinapatungan ng tocino at hotdog ang plato ko.
Tahimik na lang akong sumubo, ngunit sa tuwing hindi siya natingin sa akin ay sinusulyap-sulyapan ko ang ngayo'y nakatiklop nang diyaryo. Ganunpaman, ni katiting wala akong nakitang clue man lang sa kinalulungkot ng mama ko.
Pagdating namin ng school, binaba lang ako ng Italyano kong ama sa bukana ng front gate at hinayaan na akong mag-isang pumasok. Nainggit tuloy ako sa ibang bata na hinatid pa hanggang sa loob ng kanilang mga magulang. At hindi lang iyon. Bago sila iniwan ng mga ito ay niyakap pa sila sabay hinalikan sa pisngi. Minsan, naisip ko, baka hindi talaga kami magkadugo ng Italyanong iyon. Baka tinanggap lang niya ako dahil kay Mama.
"Helena! Hey! Come!"sigaw sa akin ng isa kong kaibigan. Si Bea. Pa-skip-skip pa ito habang sumasalubong sa akin. Nang malapit na siya'y hinatak niya ang kamay ko. Nakiusyuso rin kami sa bulletin board na pinagkakaguluhan ng mga estudyante.
"Sino iyan?" tanong ko habang nakanguso sa larawan ng naka-glasses na batang lalaki na abot-tainga ang ngiti habang hawak-hawak ang isang malaking tropeo.
"That's Moses San Diego," tila kinikilig na sagot ni Candy. Tila kadarating lang din nito. Siya na ang nagpaliwanag kung sino ang naturang bata. Nalula ako sa mga pinagsasabi niya. May ganoon ba ka talinong bata?
"Guwapo pa, di ba?" sabi pa nito na kaagad namang sinang-ayunan ni Bea.
"Nerd," halos pabulong kong wika.
"Of course not!" halos sabay-sabay na salungat ng mga kaibigan ko't mga batang babae sa tabi ko. Nagulat ako sa reaksiyon nila. Hindi na ako nagsalita pa. Mukhang ang daming aaway sa akin kung paninindigan ko ang sinabi.
**********
Bago pumasok ng elevator, pina-check ko muna kay Mr. Jefferson ang loob. He looked at me starngely pero tahimik namang tumalima.
"It's safe, Ms. Bianchi. You may get inside now," magalang nitong sabi sa akin bago ito bumalik sa paglilinis ng ground floor. Pinagmasdan ko muna ang matandang itim bago pumasok sa loob ng elevator. Naaartehan din kaya siya sa akin kagaya ng iba naming empleyado? Bago ko pa masagot ang katanungang iyon sa isipan, nahagip ng paningin ko si Mon, este si Mr. Batumbakal sa hindi kalayuan. Kararating lang din niya. Hindi pa siya nakapagpalit ng uniporme para sa mga tagalinis ng building namin. At may napansin na naman ako sa kanya. Naka-sweater siya't pantalong maong, lang pero mukhang mamahalin ang mga iyon. Ang belt niya'y na-recognize ko agad. Gawa ng isang kilalang brand. Palagay ko'y may tinatago siya sa akin. Hindi kaya...?
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
CintaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...
