CHAPTER EIGHTEEN

10.9K 597 109
                                    

"Moses, huwag kang tumakbo!" sigaw ni Yaya Metring habang lakad-takbo rin itong nakabuntot sa akin. Hila-hila pa niya ang de-gulong kong knapsack. Nang maabutan niya ako'y kaagad niya akong kinurot sa tagiliran.

"Ouch, Yaya!" reklamo ko.

"Awtsin mong mukha mo! Kung atakehin ka na naman ng asthma mong bata ka? Naku, hindi ka nag-iisip," naiinis nitong sabi sabay dutdot sa noo ko.

Magrereklamo pa sana ako nang bigla na lamang may dumaang isang batang babae. Mahaba ang unat na unat na itim niyang buhok. Ang ganda ng kanyang mga mata. Malalago ang pilik-mata na tila sa isang manika. Maganda rin ang hugis ng kanyang kilay. Pakiramdam ko tumigil ang buong mundo nang lumingon siya at magtama ang aming paningin.

"She's a transferee, bro. That's what I heard," bulong sa akin ni Morris. Nakaakbay na ito sa akin at nakangisi pa habang nakatingin din sa batang babaeng kararating lang.

When I looked at her again, I noticed she seemed odd. Her clothes and shoes seemed different. I couldn't figure them out, but they looked different from ours. She moved kind of awkward but in a cute way. Napangiti ako sa sarili nang mamali-mali siya ng mapasukang classroom.

"Kayong dalawa ano na naman pinagbubulung-bulungan n'yo riyan? Hala, magsipasok na kayo sa classrooms nyo!" mando sa amin ng mga yaya namin. Hinawakan na nila kami sa kamay at halos ipagtulakan na sa loob ng kanya-kanya naming silid.

Sumilip muna ako sa classroom ng transferee bago pumasok sa room ng star section for fourth graders. At doon ko nalaman ang kanyang pangalan. HELENA BIANCHI. Agad-agad na nawala na sa isipan ko si Eloisa.

**********

Pagkadala kay Helena sa emergency room ng Inova Fair Oaks Hospital sinabihan na akong maghintay na lamang sa lobby. Mayamaya pa, may nurse na lumapit at nagtanong kung ako ba ang family member ni Helena.

"I'm actually --- just a friend," pakli ko. Tinanong ko siya agad kung kumusta na ang lagay ni Helena. Ngumiti lang siya sa akin. She assured me na wala namang seryosong sakit si Helena.

"But why did she faint? There must be a reason," pang-uusisa ko pa.

Ngumiti na naman ang nurse ngunit tila wala siyang balak magpaliwanag sa akin. I scowled at her.

"We need to talk to her family member. If you're not one of them, then I'm sorry because we cannot reveal anything to you." At tumalikod na siya agad.

"Miss, saglit lang! I mean, wait!"

Lumingon lang siya saglit at dali-dali nang bumalik sa nurses' station. Namilit pa sana akong alamin ang kalagayan ni Helena pero nagmatigas talaga ang babae sampo ng kanyang mga kasamang nurses na hindi raw talaga maaring i-reveal ang kung ano mang mayroon sa pasyente kung hindi rin lang ako kaanu-ano niyon.

"I'm her husband! Yeah, that's right. I"m Ms. Bianchi's---I mean Helena's husband."

Nagtinginan ang dalawang nurses na nasa front desk. Napangiti pa ang itim na nurse sa kasama niya. Hudyat na hindi nga sila kumbinsido sa sinabi ko.

"Look, Mister. We are sorry. But a policy is a policy. We cannot reveal anything about the patient to just a friend. I hope you understand," anang nurse na lumapit kanina sa akin sa lobby. Kung bakit kasi iyon pa ang sinabi ko kanina sa kanya. Gusto kong batukan ang sarili.

Mayamaya pa, may humahangos na dumating sa counter. Isang middle-aged woman. She looked familiar. Nagpakilala siyang ina ni Helena. Pagkatapos ma-verify ng mga nurses ang identification cards na pinakita niya sa mga ito agad-agad nilang inalalayan ang ginang papunta sa private room raw ng doktor na tumingin kay Helena kanina. Gusto ko sanang sumama pero pinandilatan ako ng head nurse na isang Black American. Wala akong nagawa kundi magpaikot-ikot na lamang sa harap ng nurses station.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon