CHAPTER THIRTEEN

10.4K 454 32
                                    

"Kapatid mo ba talaga si Matias San Diego?" tanong ng isa kong kaklaseng babae sa akin minsang recess time namin. Natigil ako sa pagnguya ng peanut butter sandwich na ginawa ng Mommy ko para sa akin. Pinagmasdan kong mabuti ang bata. Ang ganda niya. Parang manika ni Shelby, ang munti naming prinsesa.

"Oo naman. Pareho kaming San Diego, di ba? So we are brothers," sagot ko. Pero sa loob-loob ko'y nagtataka akong naitanong pa niya iyon. Hindi ba halata? Iisa ang kotseng naghahatid sa amin ni Matias? Ang yaya ni Matias ay nag-aalaga rin sa akin kahit na mayroon din akong sariling yaya. Ganoon din ang yaya ko sa kuya ko.

"Oh, really? Then, why is Matias so handsome and you are not?"

Napanganga ako. Hindi ko man lang napaghandaan iyon. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Bigla na lang kasing may nangilid na luha sa mga mata ko. Bago ko pa mamalayan, parang umambon na't naging blurry na ang paningin ko gawa no'n. Tinanggal ko sandali ang eyeglasses at pinunasan. Nakita niya siguro ang pamamasa ng mga mata ko dahil bigla siyang humalakhak. Tinawag pa niya ang mga kaibigang babae at pinagtawanan nila ako.

Sa hindi kalayuan naman nakita kong tumatakbo papunta sa classroom namin ang nakababata kong kapatid na si Morris. Recess na rin siguro ng mga first graders. Pagkakita niya sa akin, napayakap siya agad.

"What's wrong, bro?" tanong niya. Gulat na gulat ito dahil sa nakitang hitsura ko.

Umiling-iling ako. Tahimik kong tinapos ang sandwich ko. Nakita kong lumingon sa mga nagtatawanang mga babae si Morris. Kagat-kagat na nito ang ibabang labi, ibig sabihin ay galit na.

"Pinaiyak n'yo ba ang kuya ko?"

"Morris, stop. It's all right," sabi ko na bahagyang nahihiya.

Hinarap kami ni Louise, ang lider-lideran ng grupo at namaywang pa ito habang sumasagot kay Morris.

"Kuya mo ang nerd na iyan?!" May emphasis sa salitang nerd. Ang grade three kong puso ay nadurog nang tuluyan. Gusto ko nang humagulgol at magsumbong kay Mommy.

"Your brother is sooo ugly. He is so Not a San Diego!" sabi naman ng isa sa mga kaibigan ni Louise.

"You are Lyka's sister, Louise, right?"tanong ni Morris.

Proud na tumango agad si Louise.

"How come she's so pretty and you are not?" sagot ni Morris. Nakakurus na ang mga braso nito sa dibdib.

"Ooooh! That was a terrible thing to say!" sabi ng mga kaibigan nito.

"Yeah. It is terrible to compare siblings," pakli ni Morris, taas-noo bago bumalik sa tabi ko. Hinila niya ako palabas ng silid at naglaro kami sa playground. Nang lumingon ako sa direksiyon ng mga girls, umiiyak na si Louise. I felt guilty but Morris said to ignore her. And so I did.

**********

Tumalikod si Helena. Alam ko na kung bakit. Paano ba naman lalong naghumindig ang alaga ko. Tila na-excite ngayong kitang-kita sa liwanag ng ilaw ng silid ang kakinisan ng dalaga. Kung anu-ano nang kalaswaan ang naiisip ko habang pinagsasawaan ang likuran niyang tanging puting tuwalya lamang ang bumabalot dito.

"Please leave now," halos pabulong na lang na mando niya sa akin. Iba ang tono ng boses niya ngayon. Hindi kagaya kapag nasa upisina kami, wala itong tatag at bangis. Bagkus, naringgan ko pa iyon ng vulnerability. Nang mapagtanto kong apektado rin siya ng sitwasyon, lalo akong pinagpawisan. Hindi ko na kayang supilin pa ang nararamdaman. Sinubukan ko siyang lapitan.

"Helena," tawag ko sa pangalan niya. Hindi siya gumalaw. Ni hindi man lang sumagot ng kung ano. Sa ibang pagkakataon siguro'y nasabon na ako for calling her by her first name, pero ngayon ay wala siyang imik.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon