CHAPTER THIRTY-FOUR

9.1K 451 38
                                    

Nilakad-takbo ko ang papunta sa gym dahil tinext ako nila Bea na mag-uumpisa na raw ang volleyball game nila Candy laban sa mga seventh graders. Siyempre, hindi ko pwedeng palampasin iyon. Bawal akong ma-late!

Nasa bukana na ako ng gym nang bigla akong matisod sa isang maliit na bato. Naapakan ko iyon at sa kasamaang palad ay napa-slide ako at bumagsak sa sementadong sahig. Una ang aking pang-upo. Hindi agad ako naka-react dahil sa sakit. Nabalik lang sa kasalukuyan ang huwisyo ko nang may marinig akong tawanan sa paligid.

"Yuck! Ang cheap ng panties niya. It has ruffles pa, ha? Who wears red panties with ruffles these days?" narinig kong sabi ng isang seventh grader. Ito ang isa sa mga nang-away sa amin ni Bea noong isang araw. Ang alam ko kaibigan ito ni Melanie.

Kahit masakit pa ang kalamnan, sinikap kong makatayo. Napagiwang-giwang ako sa unang subok at muntik na namang bumagsak nang may isang malakas na kamay na humawak sa braso ko't tinulungan akong tumayo nang matuwid. Pagtingin ko sa may-ari, napanganga ako. Ganoon din ang mga grade seven girls na nakasaksi sa pangyayari. Si Matias San Diego tinutulungan ako!

"Thank you," nahihiya kong pasasalamat sa kanya.

"Be careful next time, okay?" sagot niya at dere-deretso na sa paglakad palayo sa gym. Hindi agad ako nakalakad. Pinagmasdan ko muna ang paglayo niya sa aming lahat. I was mesmerized by his moves. Biglang umiba ang tingin ko sa kanya. Kaya pala ang daming may crush sa kanya, eh. Bukod sa guwapo't makisig, matulungin pa sa kapwa.

"Do you like him?"

Napalingon ako sa nagsalita. I saw Bea, my best friend, standing by the entrance of the gym. Makulimlim ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Para bagang mga ulap sa tuwing may nagbabadyang malakas na ulan.

"Hey!" At masaya ko siyang kinawayan.

"He held your arm," sabi nito. Ang hina na ng kanyang tinig. Tila bagang ang lungkot-lungkot pa.

Nilingon ko ang direksiyon ni Matias San Diego. Lumiko ito papunta sa field at naglaho na sa aking paningin. Napangiti ako nang maalala ang pagtulong niya sa akin. Pagbaling ko kay Bea, naglalakad na ito papasok ng gym. Iniwan ako sa bandang entrance.

"Hoy! Ano ba!" Hinawakan ko siya sa braso nang maabutan ko. Bumaling siya sa akin. May hinanakit sa kanyang mga mata. "Tinulungan lang niya ako dahil na-off balance ako kanina. It doesn't mean anything special. Hindi ko siya crush. Sa iyo siya, di ba? Friends do not steal each other's crushes."

She squinted at me. Tila inaarok sa mukha ko kung nagsasabi ako nang totoo.

"Is that true?" paniniguro niya.

"Of course! Alam mo kung sino ang crush ko?" At binulong ko sa kanya. Napanganga siya.

"But he's already in college!" naibulalas pa ni Bea pero nakangiti na siya ngayon. Mukhang nabunutan siya ng tinik.

"Rest assured, I will never steal your guy," sabi ko pa at tinaas pa ang kanang kamay na animo'y nanunumpa. Nagtawanan na kami at magkaakbay na umakyat sa bleacher para sa mga grade six team supporters.

**********

"This is not what I ordered!" malamig na pahayag ng isang puting Amerikana nang ilagay ko sa harapan ang baked lobster. Tinapunan pa niya ako ng masamang tingin. Tiningnan ko ang nakasulat na order slip sa tray. Para raw sa Table 6 iyon. Nang makitang Table 9 ang kinauupuan ng babae, napahingi agad ako ng sorry sa kanya.

"I'm really sorry, Miss. Excuse me," sabi ko at dali-dali iyong kinuha sa harapan niya. Nang madala ko na ang baked lobster sa totoong nag-order niyon at nagpasalamat sa akin ang itim na ginang, napahinga ako nang malalim. I was so relieved. Minsan kasi'y nagrereklamo ang mga customers at ayaw nang tanggapin ang dish kung nauna na itong ibigay sa maling tao. Buti na lang hindi ako nireklamuhan ngayon. Kapag nagkataon, makakaltas na naman iyon sa sweldo ko. And I cannot afford to pay it right now. Iyong last paycheck ko ay halos napunta lang sa mga kinaltas sa akin.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon