CHAPTER SIX

13.8K 588 70
                                    

Napasulyap ako sa bagong bahay namin at gusto kong maiyak. Tingin ko kasi'y hindi naman iyon tirahan. Mas mukha kasi iyong lungga ng mga daga kaysa istruktura na ginawa para sa tao.

"Mama," tawag ko sa nanay ko sa mahinang tinig. Palinga-linga ako sa paligid na tila takot na takot. Pakiramdam ko kasi'y may mga nagtatagong daga sa lahat ng sulok ng maliit na silid. Paano na lang kung sabay-sabay silang lumundag at dambahan ako?

"Sigurado po ba kayong tinitirhan ito ng tao?"

Natigil sa pag-aayos ng mga bagahe namin si Mama at hinarap ako. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. She looked so sad. Na-guilty tuloy ako na dinagdagan ko pa ang iniinda niyang problema. Sa labis na pagkahabag sa kanya, napayakap na lang ako bigla.

"P-pasensya na p-po," sabi ko pa.

"No, anak. Ako dapat ang humingi ng tawad sa iyo. I'm so sorry. Ito lang ang kaya ni Mama."

Tumangu-tango ako. Hinalikan ko siya sa pisngi at kumawala na sa yakap niya. Tahimik akong tumulong sa pag-aayos ng gamit namin.

Nang gabing iyon, hindi ako dinalaw ng antok. Takot na takot kasi ako. Paano ba naman, maya't maya'y may ipis na lumilipad sa paligid. Minsan, dumapo pa ang isa sa akin. Nag-hysterical ako no'n sa tindi ng pangamba. Umiyak naman si Mama at paulit-ulit na himingi sa akin ng paumanhin. Dahil sa pangyayaring iyon, sinikap kong kontrolin ang takot. Kaso, sadyang nanunukso ang mga 'alaga' namin. Kung kailan pahimbing na ako sa pagtulog saka sila naglabasan na parang may stampede. Iyong tili ko nang makakita ng kulumpon ng beybi-daga pumalahaw sa buong komunidad dahilan para silipin kami ng chairman ng barangay. Tumawa ang lolo nang makita ang dahilan ng pagsisisigaw ko.

"Welcome to Barangay Pulang Bato, iha," ang sabi pa. "Ganito talaga rito. Masanay ka na."

Kinailangan ko ngang sanayin ang sarili ko sa murang edad dahil naging tirahan namin iyon sa loob na tatlong taon.

**********

Muntik na akong mawalan ng panimbang nang makawala sa mga bisig ni Mon. Ang damuho at hindi man lang ako sinaklolohan. Bigla na lang akong binitawan saka tinalikuran pa. I've never felt so insulted!

"What the hell did you just do?" pahabol ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad. Nilingon niya ako. Makulimlim ang ekspresyon ng kanyang mga mata.

"Do I need to spell it out?" He smirked.

"You'll pay for this!" I hissed at him. Hindi siya nag-react. "You'll really pay for this!" sigaw ko sa kanya. Imbes na sumagot, basta na lang akong iniwan nang tuluyan. Gunggong iyon, a! Walang modo! Ang bastos niya!

Pagbalik ko sa upisina, pinatawag ko agad si Mr, Jefferson, ang boss ng hambog kong janitor. Tila may ideya na ang matanda kung ano ang dahilan ng pagtawag ko. He looked so worried.

"I've already told you many times before. Fire that bastard!"

"Oh. What did Mon do this time?"

Kita mo na? Alam mo na agad na si Mon Batumbakal ang tinutukoy ko, hindi ko pa napangalanan ang bastardo! Iisa lang ang ibig sabihin niyan. Siya lang ang walang kwentang trabahador dito!

Napangisi ako nang may pang-iinsulto.

"You see. You know who the problem is before I even spell out his name."

"Please give him a little consideration, Ms. Bianchi. He's under the weather lately. I think he has some family problems or something."

"I don't care! Nobody cares! I also have a lot of personal worries myself but I don't use it as an excuse to do something stupid! Now, go and tell that guy I don't want to see his face here ever again! If you can't do that, I'll have you fired, too!"

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon