CHAPTER THIRTY

11.6K 561 56
                                    

Pinagmasdan ko si Mom habang nagbe-braid siya ng buhok ni Shelby, ang bunso namin. Sa simpleng suot na t-shirt at faded maong jeans, mukha pa rin siyang dalaga. Hindi mo iisiping mayroon na siyang anim na anak at ilang taon na lang ay kuwarenta anyos na.

Sa tuwing nakikita ko si Mom napapatigil ako sa ginagawa at napapatitig sa kanya. Marahil ay dahil sa gandang-ganda ako sa kanya. At siguro dahil din sa napag-alaman kong grabe ang sakripisyo niya mailuwal lamang ako sa mundong ito. Sa lahat daw kasi sa aming magkakapatid, sa akin naghirap nang todo si Mom. Dumating pa nga sa punto na pinamili si Dad ng mga doktor kung sino sa aming dalawa ng mommy ang bubuhayin nila. Siyempre, hindi raw namili si Dad. Ang sabi raw sa mga attending doctors pareho kaming iligtas nila.

"Moses, anak. What are you doing there?" tawag ni Mom sa akin. Nakadikit kasi ako sa gilid ng pintuan sa back door at nagmamasid sa kanila ni Shelby habang nakaupo sila sa sa rocking chair na nasa likod-bahay namin.

Pagkakita sa akin ni Shelby, kumaway ito at pinalapit niya ako sa kanila.

"Mom, Moses is a good story-teller. He told me a story about Juno and Gabo, the two angels who came down to earth to be sons of a couple. Ang ganda ng kuwento, Mommy!" pagbibida ni Shelby. Nakita kong natigilan si Mom pagkarinig doon. Napatingin ito sa akin at tila nangunot ang kanyang noo.

"It was not my story, Mom. Just in case you're wondering where I got them, that was the same bedtime story Kuya Marius related to me when I was little."

"Tungkol ba sa dalawang anghel 'kamo?" paniniguro ni Mom.

Proud akong tumangu-tango.

Nag-iba bigla ang ekspresyon sa mukha ng mommy. Kung kanina ay larawan ito ng kasiyahan ngayo'y bigla itong nalungkot. Nabahala kami pareho ni Shelby.

"Mommy bakit?" tanong ni Shelby.

Umiling-iling si Mom at tinapos na ang pagbe-braid sa buhok ng baby sister ko.

"Nothing," sagot niya.

Pero nabatid kong may kung ano siyang naalala na nakapagpalungkot sa kanya. Naantig ang puso ko. Inisip ko ang maaaring dahilan ng biglang pag-iba ng modo niya ngunit wala akong makitang dahilan. Natatakot naman akong magtanong. Baka kasi'y ako ang rason.

Imbes na usisain siya, minarapat ko lamang na bigyan siya ng mahigpit na yakap at halik sa pisngi. Napangiti siya.

"You're very sweet, anak," sabi niya sa akin at hinalikan pa ang pisngi ko. I felt good.

**********

Habang tinututukan ako ng mama ng baril, iniisip ko kung paano ito maaagaw sa kanya. Tantiya ko mas matangkad ako sa kanya ng limang pulgada. Hindi nalalayo ang mga katawan namin kung kaya sa tingin ko kaya ko siya. Kaso nga lang, baka sa pag-aagawan namin ng baril ay mapahamak si Helena. Could I risk her life? Saglit akong sumulyap sa direksiyon niya. Kitang-kita kong butil-butil na ang pawis niya sa noo. She looked so scared. I felt the urge to grab and squeeze her in my arms. Nang ibaba ko nang bahagya ang nakataas kong mga kamay ay lumapit sa pagmumukha ko ang baril ng isang mama. Napakislot tuloy ako. I need to concentrate.

Mayamaya pa nang kaunti, we heard a commotion outside the house. Sa aking palagay, dumating na ang 911. Naging alerto ang dalawang mama. Humigpit ang kapit ng isa sa mga braso ni Helena.

"Please do not hurt me. I am pregnant!" pagmamakaawa ni Helena. Parang punyal iyong gumihit sa puso ko. Daig ko pa ang sinaksak. Hindi ko mapapatawad ang sarili oras na may mangyaring masama sa aking mag-ina. I have to do something.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon