"O, anak, bakit ka nandito sa likod-bahay? Bakit hindi ka nakikipaglaro sa mga kapatid mo sa hardin n'yo?"
Paglingon ko nakita ko si Yaya Metring. Gaya lagi masuyo siyang nakatingin sa akin habang nakahawak sa doorknob ng pinto. Lumapit siya at naupo sa tabi ko, pero nagreklamo muna ng pananakit ng tuhod dahil sa pagsalampak din sa Bermuda grass.
"Hindi ka dapat nagmumukmok dito sa likod-bahay dahil ang daming lamok dito. Sige ka. Makagat ka lang ng isa riyan ay magkaka-dengue ka na. Gusto mo ba iyon?"
Umiling-iling ako.
"Yaya, did you see my mom give birth to me?"
"Ha? Ano 'kamo? Anak naman, eh. Iinglesin mo na naman si Yaya. 'Lam mo namang e-be-se lang ang alam kong Ingles." At humagikhik na ito.
"Ang ibig ko pong sabihin, nakita n'yo po bang galing talaga ako kay Mommy? Na siya talaga nanganak sa akin?"
"Ha? Ba't mo naman naitanong iyan? Suskong bata ito, oo. Kung anu-ano pumapasok sa kukote mo. Sa kababasa mo iyan ng libro!"
"Answer me, Yaya, please! Sagutin n'yo po ako."
"Bueno. Sasagutin kita, anak," madramang sagot niya. Lumuhod pa ito sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong kamay. Ako nama'y namilog ang mga mata in anticipation. Naghintay ako ng isa, dalawa, tatlong minuto habang nakapikit si Yaya para siguro sariwain ang alaala sa kanyang isipan ngunit tila bigla na lamang ay naging panatag ang kanyang paghinga. Tinulugan kaya ako nito?
"Yaya! Ano na po?" tanong ko sa kanya nang may pagmamadali. I even shook her hands.
"Ay! Saan na ba tayo?" Yaya looked a bit confused. Tila nakatulogan nga niya ang tanong ko. I pouted at her. Hindi yata niya siniseryoso ang mga bagay na nagpapagulo ng utak ko.
"Okioki. Ang katunayan niyan, naipanganak ka sa ospital. Hindi kita nakitang lumitaw mula sa ano ng mommy mo pero sigurado akong anak ka niya---nila ng daddy mo. Ang hirap mo kayang alagaan nang maliit ka pa. Sakitin ka, eh! Kung hindi ka nila anak baka ay pinakain ka na sa pusa. Kuha mo? O, hayan ha? Nasagot ko na tanong mo. 'Lika na. Pasok na tayo sa loob."
"Kasi Yaya, my brothers are different. They are all the same. They somehow look the same." Nang makita kong sumimangot si Yaya tinagalog ko ang unang mga sinabi. "Tapos ako lang po ang napagkakamalang anak ni Mang Andres."
Humagalpak ng tawa si Yaya. Huwag ko raw iparinig sa driver namin na pinagsisintir ko iyon dahil pinamalita na niya iyon sa mga kakilala. At proud na proud daw ang matanda.
"Iyan ay dahil mas kamukha mo mommy ninyo kaysa daddy n'yo. Ang mga kapatid mo naman mas kamukha nila daddy n'yo. Kuha mo?"
"Eh maganda naman ang mommy, ah!"
"Oo, pero siguro hindi ganoon ka ganda kapag naging lalaki ang mukha. Ooops! Ang ibig kong sabihin ay---Moses!"
Tumakbo na ako papasok ng bahay. Napatunayan ko na talagang panget pala ako. Kay Yaya na nagmula ang ganoong opinyon, ha? Ibig sabihin ay totoo iyon.
**********
Thirteen hours. Fvck!
Palakad-lakad ako sa aking silid. Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. Ang alam ko'y nasa California na ang daddy para asikasuhin doon ang winery namin. For him, tapos na ang role niya sa problema kong ito. Humarap na siya sa mga magulang ni Helena bilang ama ko. Napag-alaman na rin nila na hindi ako isang dirt-poor Filipino boy gaya ng laging sinasabi ng padre de pamilya ng mga Bianchi. Bahala na raw akong dumiskarte kung paano ko makukuha ang babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...