Naramdaman ko na lang na hindi na ako nag-iisa sa paborito kong spot sa likod-bahay namin. Habang nakaupo sa swing, dahan-dahan akong dinuyan ni Mama. Tahimik siya pero ramdam kong she felt my pain, too.
"Bakit ganoon, Ma? Halatang mas mahal ni Papa si Ximena (pronounced as Himena). Walang hinihingi si Ximena na hindi niya pinagkaloob samantalang lagi niya lang akong inaangilan sa tuwing ako ang manghihingi. Ba't gano'n, Ma?"
"H-hindi naman siguro gano'n, anak. Baka nagkataon lang."
Umiling-iling ako. Imposible ang sinasabi niya. Kung nagkataon lang, minsan lang dapat nangyari iyon. Hindi, e. Kada hingi ko, wala akong napapala. Napapagalitan pa ako.
Nilingon ko si Mama at lakas-loob kong tinanong sa kanya ang lagi kong naririnig sa mga tsismosang kapitbahay.
"I-iba po ba ang t-tatay ko, Ma? Hindi p-po ba si P-papa ang tatay ko?"
Bago nakasagot si Mama narinig namin ang tungayaw ni Papa. Mukhang lasing na naman.
"Lintek talaga, oo! Rosalinda! Kaya naman pala wala na namang sinaing nandiyan ka lang at nagpapauto sa bwisit na anak mong iyan!"
Nakita kong nataranta si Mama. Ni hindi na nga siya nakapagpaalam sa akin. Dali-dali siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay.
Sa murang edad na anim na taong gulang, namulat ako sa katotohanang hindi lahat ng fairy tales ay may happy ending.
**********
"Perfect match!" natutuwang balita sa akin ng Filipino doctor ko pagkapasok na pagkapasok naming mag-ina sa klinika niya. Hanggang tainga ang kanyang ngiti.
"Talaga po, dok?" nagagalak kong tanong.
Masayang tumangu-tango ang doktor. Nagkatinginan kami ni Mama at napayakap sa isa't isa. Pareho kaming napahikbi sa labis na kaligayahan.
Mayroon kasi akong aplastic anemia, isang kondisyon na kung saan ang bone marrow ng isang tao ay pumapalya sa paggawa ng new blood cells. Dahil sa sakit na ito, nakararanas ako ng irregular heartbeat na kung tawagin ng mga doktor ay arrhythmia. Madalas din akong magkaroon ng kung anu-anong infections dahil nga kulang na kulang ang white blood cells ko. Kung hindi raw maisasagawa ang transplant sa lalong madaling panahon ay baka ikamamatay ko ang sakit na ito.
Ilang taon na rin kaming naghahanap ng donor para maisagawa na ang bone marrow transplant. Katunayan, nasa high school pa lang ako noon sa Pilipinas, nagbakasali na kaming mayroong mahanap na ka-match dahil sumablay sa human leukocyte antigen (HLA) typing ang lahat ng malalapit naming kamag-anak, pati na si Mama. Kaso, wala talaga. Hindi ko sukat-akalain na sa Amerika pa kami makakahanap ng perfect match ko. Nabuhayan tuloy ako ng pag-asa.
"So, who do we thank for for this good news, doc?" tanong ni Mama.
"Naku, Misis, huwag n'yo munang alalahanin iyan. Hindi allowed na kontakin ng recipient ang donor niya hanggang sa matapos ang transplant at ganap na siyang makapamuhay nang normal. I think it takes about one to two years after the operation bago tayo papayagang mag-reach out sa donor. Meantime, let's have Helena psychologically ready for the operation next week, okay?"
Umuwi kami sa bahay namin sa LA na punung-puno ng pag-asa.
**********
Siniko ako ni Morris at inginuso niya ang papalapit sa aming magandang babae. Nangunot ang noo ko. She seemed familiar but I couldn't quite figure out where I met her.
"You don't remember her?" natatawang tanong ng kapatid ko.
"Should I know her?" I frowned at him.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...