Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Mama na kinakaladkad ni Papa papasok ng bahay namin. Naitapon ko ang bitbit na manika sa damuhan sa hardin ng bahay at patakbong sinaklolohan ang nanay ko. Sinalag ko ang pambabatok sa kanya ni Papa, dahilan para halos mawalan ako ng malay. Pakiramdam ko may tumamang bakal sa ulo ko.
"Sumusobra ka na, Fernando! Pati bata'y pinapatulan mo!" Nanlaban na ang mama ko. Kinalmot niya nang kinalmot si Papa.
"Aray! Bwisit kang puta ka!" At sinuntok na naman nito si Mama. Sapol ang kaliwang mata ng nanay ko. Kahit nanginginig ako sa takot, nakipaglaban na rin ako. Nang akmang susuntukin din ako ni Papa sumigaw si Ximena ng, "Huwag, Papa! Maawa ka kay Ate!" Tumakbo ito sa amin habang kalong-kalong ang manika at niyakap niya ang mga paa ni Papa nang humahagulgol.
"Sshh, don't be upset, anak. Tingnan mo, o. Pumapangit ka," malumanay na sabi ni Papa kay Ximena habang nakaluhod sa harapan nito. Pinahiran pa niya ng panyo ang mga luha ng kapatid ko at hinagkan-hagkan ito sa pisngi bago binuhat. Nauna silang pumasok ng bahay. Bago isara ang front door, nilingon niya kami ni Mama at tinitigan nang matalim.
**********
Chantilly, Virginia
Tila nakaramdam ako ng pagkadismaya nang makita ang listahan ng cleaning personnel namin. Walang San Diego roon. Ganunpaman, malakas ang kutob ko na ang isa sa mga janitor na nakadaupang-palad ko noong isang araw ay isa sa mga hambog kong kaeskwela dati sa St. John's. His eyes looked like that of the San Diego I know. Ano nga ba uli ang pangalan ng payatot na nerd na iyon? Moses. Tama. Moses San Diego.
"Helena, huwag kang lumingon. Nakatitig na naman sa iyo ang nerd na taga-Section A. Shucks! Kung bakit sa dinami-dami nilang magkakapatid ay iyong nerd pa ang nagkagusto sa iyo," bulong sa akin ng kaibigan kong si Bea. Napatirik pa kunwari ang mga mata niya. Dali-dali niya akong hinila para pumasok sa Dean's Office ng College of Arts and Sciences. Tumambay daw muna kami sa upisina ng uncle niya bago bumalik ng high school department para umiwas kay Nerdy Jack, ang palayaw namin kay Moses San Diego. Ang kapal kasi ng glasses niya tsaka ang payat niya masyado. Nagmumukha tuloy siyang kawayan na nilagyan ng salamin. He looked so different from his brothers. Parang hindi siya kapatid ni Matias.
Pinilig-pilig ko ang ulo. Bakit ko naman iisipin na si Moses San Diego iyong Mon, what's his last name again? Hinanap ko sa listahan ang pangalan ng nag-iisang Filipino cleaning personnel namin at napangiwi ako agad nang mabasa ang buo niyang pangalan. Ramoncito Batumbakal, Jr. Yuck! Kadiri! But I have to admit he was so damn good-looking. Pinagalitan ko ang sarili nang ma-realize na inamin kong naguguwapuhan ako sa isang hamak na janitor lamang. You're too damn beautiful, Helena, just to be smitten with that low life.
Bumalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang may biglang kumatok sa pintuan. Napaupo ako nang matuwid nang makita ko ang guwapo, este, isang hamak naming janitor. May bitbit itong isang pumpon ng pulang rosas. Tinaasan ko siya agad ng kilay. Ang taas din naman ng pangarap ng lalaking ito, a! Malakas ang loob niyang magbigay sa akin ng mga bulaklak?
"Good morning, Ms. Bianchi," nakangiti nitong bati with the confidence of somebody who is used to being in authority. Ang kapal! Baka nakalimutan ng hunghang na ito kung sino ako at sino lang siya sa upisinang ito?
"What's good in the morning?" malamig kong pakli. Nakahalukipkip na ako habang tinitingnan ang dala-dala niyang mga rosas.
"This is for you," sabi niya at nilapag ang buoquet sa harapan ko. Hindi man lamang siya natinag sa pagsusuplada ko.
"May I remind you---what's your name again?"
"Mon. Mon Batumbakal," tila proud pa niyang sabi. Napangiwi na naman ako sa kabantutan ng pangalan niya.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...