Nadatnan kong may kausap na banyaga si Mama. Nang makita ako ng lalaki, nginitian niya ako at agad na nilapitan. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang bigla na lamang niya akong niyapos. Hindi ako nakakilos. Napatingin ako kay Mama na ngayo'y nagpapahid ng luha. Sino ang lalaking ito? Bakit tila ang bait-bait niya agad sa akin gayong ngayon lang ako nakita? At bakit mukhang matagal na siyang kilala ng nanay ko?
"Sei propria bella cara," sabi ng mama sa akin. Hinagud-hagod pa niya ang buhok ko at hinagkan pa ako sa noo. Nabigla ako kung kaya tinulak ko siya at tumakbo kay Mama. Nagtago pa ako sa likuran ng nanay ko. Narinig kong tumawa si Mama. Lalo tuloy akong naguluhan. Hindi ba dapat ay nagagalit siya? May mamang hindi namin kilala na basta na lang yumakap at humalik sa akin tapos tatawa-tawa lang siya? Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Ayos lang ba siya?
"Anak,"hinila ako ni Mama mula sa kanyang likuran, "huwag kang matakot." Pilit na pinapaharap niya ako sa bisita niya.
"S-sino siya, Mama?" halos ay pabulong kong tanong? Nakahawak pa rin ako sa palda niya. Takot pa rin humakbang palapit sa mama kahit na hanggang tainga ang ngiti niya habang kinakambatan akong lumapit.
Sino ba naman ang hindi matatakot sa kanya? Ang laki niya kayang tao. Halos ay hanggang balikat lang niya ang nanay ko gayong mas matangkad ito kaysa sa karaniwang Pinay. Idagdag pa riyan ang kapal ng kanyang bigote. Mukha siyang pirata.
Hinawakan ni Mama ang magkabila kong pisngi at maluha-luhang sinabi na ang banyaga raw ang tunay kong ama. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Napatingin ako sa lalaki tapos ay kay Mama. Mukhang hindi siya nagbibiro.
"Hindi! Si Papa lang ang papa ko!" Humagulgol ako at tumakbo palabas ng bahay.
**********
Nang ma-realize kong nakayakap ako kay Mon at humihikbi sa balikat niya kagaad akong tumahan. Tinulak ko siya agad.
"Get out," mando ko. Mahina lang ang boses pero puno iyon ng otoridad.
Tumayo si Mon at pinisil niya ang balikat ko. Tinabig ko ang kanyang kamay. The last thing I need right now is the comfort coming from the company's janitor! Ano na lang ang sasabihin ng makakakita? Baka ma-misinterpret pa nila ang sitwasyon.
"If you need a shoulder to cry on, nandito lang ako, Helena."
"Ms. Bianchi," mariin kong pagtatama.
"Like what I said, I will always be here for you---Helena."
Aba-aba! Feeling ka-level? I glared at him. "Get out!"
Hindi naman nagpumilit manatili sa silid si Mon. Lumabas din naman ito agad, pero bago niya isara ang pintuan tumingin muna ito sa akin. He looked so concern. May kakaibang lungkot ang kanyang mga mata. At hayun na naman. Naramdaman kong parang nakita ko na ang mga matang iyon noon. Hindi ko lang matandaan kung saan. Bigla akong tinamaan ng isang realisasyon. Kamukha niya si Marius San Diego! Hindi kaya kapatid siya ni Marius? Teka. Kung kapatid siya ni Marius, bakit nandito siya bilang isang janitor? Tsaka hindi naman San Diego ang kanyang apelyido. Isang mabantot na Batumbakal! Kaya paano sila magiging magkapatid? Pero, maaari rin namang mapalitan ang pangalan. Isa kaya siyang San Diego na nagbabalatkayo bilang isang hamak na tagalinis ng kompanya?
Tinawagan ko agad ang isa sa mga kaibigan ko. Si Bea. Nang sabihin kong baka isang San Diego ang narito ngayon sa amin bilang isang tagapaglinis, tinawanan niya ako.
"Are you becoming obssessed with them, sissy? Welcome to the club!"
"No! Never! I just thought about it." At kinuwento ko sa kanya ang kutob ko.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...