Naghahabulan kami ni Morris sa playground ng school nang bigla akong napahinto. Sa may unahan, sa lilim ng punong Acacia may nakita akong dalawang pamilyar na bulto. Nakatalikod sila sa akin pero kilalang-kilala ko kung sino sila. Si Eloisa at Matias! Bigla akong pinanlamigan. Parang may dumaklot at pumiga sa mura kong puso.
"I'm sorry. I should have told you," malumanay na wika ni Morris. Inakbayan pa niya ako at pinisil-pisil ang balikat.
"I thought Matias didn't like her?" tanong ko sa tonong hirap na hirap ang loob.
"Yeah. But you know, Matty. He might be just doing it just to spite you kasi sabi nga niya paborito ka ni Dad," nakangiting sagot ni Morris.
"I'm not Dad's favorite!" kaila ko agad.
"I know, I know. Alam kong nagseselos lang ang isang iyon dahil binilhan ka ni Dad ng bike."
I scowled at Matias' back. No'n naman ito lumingon sa direksiyon namin ni Morris. Pagkakita niya sa aming dalawa kumaway pa na parang nang-iinis. We didn't respond to it. Sa halip, tumalikod lang kami ni Morris. Naramdaman na lang namin na may humahangos sa likuran namin at bigla na lang pumagitna't umakbay pa sa mga balikat namin. Siniko ko siya. Tumawa lang ang demonyo.
"You're jealous!" panunukso pa niya sa akin.
"He's not! Go away!" At tinulak siya ni Morris.
"Hey!" Pinitik ni Matias sa noo si Morris saka tumalikod. Mangiyak-ngiyak naman ang nakababata kong kapatid habang hinahabol ng matalim na tingin ang kuya namin.
"Huwag mo na siyang pansinin, Morris," pang-aalo ko sabay hila sa kamay niya para bumalik na kami sa kanya-kanyang silid.
Pagdating ko ng classroom namin, nakita kong nakaabang sa may pintuan si Eloisa. Nakasimangot itong nakatingin sa akin. Mayamaya pa'y pinangiliran na ito ng mga luha. Tinapunan tuloy ako ng masasamang tingin ng mga kaibigan niya.
"What did I do?" nagtataka kong tanong.
Imbes na sagutin nila ako, they just gave me a hair flip and ran away from me. Later that afternoon, I found out that Matty rejected her. Iyong usapan pala nila sa lilim ng punong Acacia ay iyong patungkol doon. Sinabi ng kuya ko na hindi siya pumapatol sa babaeng natitipuhan ng kapatid. Napanganga ako.
**********
Nagulat si Morris nang dumating ako sa shared townhouse naming magkakapatid nang gabing iyon. Tiniklop nito agad ang laptop at sinalubong ako.
"I thought Matty said you are not coming back until morning."
"Naihatid ko na siya at naihiga sa kama," kaswal kong sagot.
Ngumiti si Morris. Nangislap pa ang mga mata in anticipation sa kuwento ko.
"Relax. Walang nangyari." At hinagis ko ang leather jacket sa sofa saka binagsak doon ang katawan. I stretched my legs on the center table at hiniga ko ang ulo sa sandalan ng couch. Tinabihan ako ng nakababatang kapatid. I could see from the corner of my eye that he looked a bit confused.
"Akala ko ba sabi ni Matty..."
"Lasing nga when I got to the club. Naipasok na siya ni Matty sa kotse niya nang dumating ako at ako na ang naghatid sa kanya sa bahay niya. Speaking of Matty nasaan na iyon?"
"Naghihilik na sa kuwarto."
I sat up straight then looked at the second floor of the house. Napangiti ako nang maalala ang ginawa rin niya para sa akin noong kamusmusan namin. Paminsan-minsan ay pakinabang din ang hunghang. Marahil ay matutulungan nga niya ako sa problema ko kay Helena.
![](https://img.wattpad.com/cover/154566408-288-k25563.jpg)
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...