CHAPTER TWENTY-EIGHT

11.4K 618 128
                                    

"Ay, Kuya! Gusto ko pa! Isa pa!" pagdadabog ng munti naming prinsesa nang matapos ang kuwento ko. Siya ang kaisa-isa naming kapatid na babae. Bunso pa.

Kahit na apat na taon lamang ang pagitan naming dalawa, pakiramdam ko minsa'y nagmimistulang tatay ako sa kanya. Tingin ko kasi'y parang ganoon ang trato niya sa aming lima na kuya niya, lalong-lalo na kina Kuya Marius at Markus.

"Matulog ka na, Shelby. Bukas hindi ka na naman magigising nang maaga niyan. Magdadahilan ka na namang pinuyat ka namin ng Kuya Morris mo sa kuwento."

"One more time, please," pakiusap niya at pinagdaup niya ang dalawang palad na animo'y nagdadasal. Nakaluhod siya sa bed niya habang pinipigilan kami ni Morris na umalis.

"Paano 'to, bro?" baling sa akin ng sampong taong gulang kong kapatid na si Morris. Nakangisi na siya. Sa aming dalawa siya ang laging hindi nakatitiis kay Shelby. Kapag ganoon na ang tono niya ay napapahinuhod na rin ako.

"Sige na nga. But this is one last kuwento, okay?"

Mabilis na tumangu-tango si Shelby at nahiga na naman sa kama niya habang pumupuwesto na naman kami ni Morris sa kanyang tabi. I held his right hand, Morris held her left and I began telling her the story about the Best Buddies, ang kuwento ng dalawang anghel na bumaba sa lupa. Pagkatapos ng kuwento, tumulo ang kanyang luha.

"I wish I can find a friend like Gabo, Kuya Moses. Juno is sooooo lucky!"

Napangiti kami.

"You found him in us, Shelby-tot," magiliw na sabi sa kanya ni Morris. Hinagkan pa ang kanyang noo at pinahiran ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

Bumangon si Shelby at humalik sa pisngi naming dalawa ni Morris.

"Thank you for sharing that beautiful story with me, Kuya Moses, Kuya Morris. At least there's something new I heard tonight. Mommy keeps on telling me about the Turtle and the Monkey! I hate that story now!" At nag-pout ito.

Natawa kami ni Morris. Maging kami man noong kaedad namin siya, wala nang naikuwento sa amin si Mom kundi ang tungkol sa pagong at matsing. Umay na umay na nga kami roon.

Palabas na kami ng kuwarto niya nang may kumatok at sumilip. It was Kuya Marius.

"Is she asleep now?" tanong nito.

"Yeah. We told her a story about the Best Buddies, iyong kinuwento n'yo rin sa amin noon ni Markus. It was effective! Nagustuhan niya. Ang galing mong gumawa ng bedtime stories, Kuya!"

Tumawa ito. "The story's not mine. Markus and I just heard it from someone when we were young. And it became our favorite childhood story."

"Really? But Markus said it was his!" si Morris naman.

No'n namin nakita si Markus na sumisilip din mula sa balikat ng kakambal niya. Nakangisi ito na tila nakaisa. We gave him a dagger look.

"Ang dali n'yo naman kasing utuin," sabi nito.

"The story came from a special person dear to us," paliwanag ni Kuya Marius at pumasok na siya sa kuwarto ni Shelby. He kissed her forehead. Ganoon din ang ginawa ng kakambal niya. Kami naman ni Morris ay umeskapo na. Gigil na gigil kay Markus. All along ay bilib na bilib pa naman kami na nakagawa siya ng ganoon kagandang kuwento. Sinasabi na nga namin. Imposibleng makaisip siya ng ganoong story. Ang dry kaya niya!

**********

I was supposed to pick Helena up in the hotel today. Ngayon ang usapan namin para tumingin-tingin sa mga possible venues ng binabalak naming simpleng garden wedding. Subalit mayroong pumipigil sa akin. Parang gusto ko na ayaw ko. I missed her. Hindi ko iyan ipinagkakaila. Ngunit mayroon akong himutok na hindi pa rin naiibsan. Pakiramdam ko kasi'y hindi siya naging tapat sa akin. Maraming pagkakataon noon na maaari niyang ipagtapat sa akin kung sino at ano talaga ang naging papel ng mom niya sa buhay ng mga magulang ko, pero wala siyang sinabing ano pa man.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon