CHAPTER ELEVEN

13.2K 570 53
                                        

"Hi, Helena! Please sit here beside us," paanyaya sa akin nila Bea at Candy nang mag-recess kami.

Nagulat ako. Ako ba ang tinawag nila? I pointed at my chest and mouthed the words, "Ako ba?"

Iniwan ni Bea ang nginunguyang sandwich at lumapit sa akin. Nakatayo ako no'n sa bungad ng canteen ng St. John's Academy. Nag-aatubili akong pumasok dahil pakiramdam ko hindi ako nababagay doon. Paano ba naman? Mukha iyong dining hall ng isang five star hotel kaysa canteen ng isang paaralan. Gourmet chef pa mismo ang naghahanda ng bawat order ng mga mag-aaral.

"Didn't we tell you already? We are your friends. And friends eat together," nakangiti nitong bati at ikinawit pa ang braso sa braso ko. We walked with arms entertwined until we get to their table. Tumayo naman si Candy at humalik sa pisngi ko. She even pulled a chair for me beside her.

"What do you want to have?" tanong ni Bea. Inabot niya sa akin ang menu.

Napalunok ako nang mapansin ang presyo ng mga pagkain doon. Para sa isang chicken sandwich, nagkakahalaga na ng dalawang libong piso?! Anong klaseng manok ang ginamit sa sandwich? Nangingitlog ng ginto?!

"Don't worry about the prices," natatawang sabi ni Candy. Napansin siguro ang pagkagulat sa mga mata ko nang makita ang mga iyon. "It's our treat for you." Treat? May ganoong pera ang isang ten almost eleven year old na bata? Napabilib ako.

"Huwag na," nahihiya kong tanggi. "May b-bigay namang pera ang mama ko."

Kinabahan ako pagkasabi no'n. Baka kasi mapasubo ako. Ni wala pang one hundred pesos ang baon ko kada araw. Paano ako makakabili kahit tubig doon? Nang natingnan ko kanina iyon, libo rin ang bawat isang bottle.

Binuksan ko ang knapsack at naghalungkat. Wala na roon ang luma kong wallet. Ang nakita kong nakasiksik sa pagitan ng mga notebooks ko ay ang isang bagong-bago na pink Hermes wallet. Nakita rin iyon ni Candy dahil bigla na lang niyang kinuha iyon sa kamay ko at itinaas pa para makita rin ni Bea.

"Beigh, look! Aw! This is what I was looking for since forever!" maarte nitong sabi. Again, namangha ako. How could a girl like her have obssessions like this one? Hindi pa nga ganap na dalaga.

Namilog rin ang mga mata ni Bea. Paano raw ako nakakuha no'n? Dalawang buwan na raw since she ordered for it, sila ng mom niya, pero waiting list pa rin sila hanggang ngayon.

Hindi ako nakasagot. Hindi ko rin kasi alam. Tsaka I don't care for this kind of stuff kaya hindi ko iniintindi. Mamaya nga pagsabihan ko si Mama.

Nang sinoli na ni Candy ang naturang pitaka sa akin, may nalaglag doong maliit na pink note mula kay Mama.

Your papa thought, you need this
wallet. Sorry, anak. Hindi ko agad
nasabi sa iyo kanina. There's also a
credit card with your name on it
inside. Please use it.
Love, Mama and Papa.

"Oh my God! American Express Centurion Card!" naibulalas naman ni Bea nang dukutin ko ang credit card sa loob ng wallet na sinasabi ni Mama.

Inagaw ni Candy kay Bea ang naturang card at namilog din ang kanyang mga mata. JP Morgan Reserve Card lang daw kasi ang kanila.

"Wow! Your papa must be so rich!" nasabi tuloy nilang dalawa.

Pinangiliran ako ng luha. Napagtanto ko kasing wala na ngang pag-asang magkabalikan pa sina Mama at Papa Fernando ko.

**********

Namangha ako pagdating ng building namin. May komosyon sa ground floor. Nagkakagulo ang mga tao ko over something I have no idea about. Inutusan ko ang isa sa mga bodyguards kong mauna na para alamin ang nasabing kaguluhan.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon