Habang tinititigan ko ang bagong transferee lalo lamang akong natuturete sa ganda niya. Kakaiba ang mga mata niya. Iyon ang laging bukambibig ni Yaya Metring. Matang nangungusap. Ganoon pala iyon. Akala ko noon kakornihan lang nila Yaya Isma iyon.
"O, awat na sa pagtitig, anak. Baka matunaw ang bata," humahagikhik na saway sa akin ni Yaya Metring. Nakalapit siya nang hindi ko namamalayan.
"Ikaw pala, Yaya," nahihiya kong tugon.
Napakamot-kamot ako sa ulo. Pakiramdam ko nag-blush pa ako. Ang init ng mukha ko, eh.
"O, heto nang baon mo. Kainin mo iyang gulay, ha? Luto ng mommy mo iyan. Naku, lagot ako sa daddy mo kapag may tira na naman iyan mamaya."
"Yaya, may tanong po ako."
I adjusted my spectacles on my nose bridge and gathered all my guts to ask my yaya on what to do. Nahihirapan na kasi ako, eh.
"If you're in---l-love, does your heart beat fast and wild like a horse hoofs on a rough road?"
Napanganga si Yaya. "Horsh shoop? Anong horsh shoop? Ikaw na bata ka. Kung anu-anong pinagsasabi mo!"
Magpapaliwanag pa sana ako, pero biglang tumakbo si Helena sa may direksiyon namin. Kumaway sana ako pero tiningnan niya lang ako saglit at lumapit na sa nakaparadang Lexus sa hindi kalayuan sa amin. Kinatok niya ang bintana sa driver's seat. Bumukas iyon at nakita ko ang isang naka-dark glasses na mukhang foreigner na lalaki. Mayamaya pa, may inabot na plastic card ang mama kay Helena. Pagkakuha n'yon tumakbo na siya pabalik sa naghihintay niyang mga kaibigan. Habang pinapanood ko siya, hindi ako halos humihinga. Pakiramdam ko kasi kapag ginawa ko iyon mawawala siyang parang bula sa paningin ko.
Napakurap-kurap ako dahil hindi lang si Yaya Metring ang nagtaas-baba ng palad sa harapan ng mukha ko. Pati rin si Mang Andres, ang driver namin. Pumitik pa nga ito ng mga daliri para makuha agad ang atensyon ko.
"Inlababo na ang alaga mo Metring! Binata na ang totoy natin!" hiyaw ni Mang Andres. Tatawa-tawa pa ito bago pumasok sa driver's side ng sasakyan namin.
Ang akala ko pagtatawanan din ako ni Yaya Metring kaya hinanda ko na ang sarili para doon. Lahat naman sila'y ang tingin sa akin cartoon character.
Nagulat ako nang bigla na lang akong hinila ni Yaya at niyakap nang mahigpit. Umiyak siya.
"Yaya, bakit?" tanong ko nang bitawan na niya ako.
She cupped my face and looked me straight in the eye.
"Swerte ang magiging gerpren mo pagdating ng araw. Ang cute-cute mo na, ang talino pa. Kaya huwag mo siyang dibdibin!"
Na-shocked ako. Ako, cute? Hindi naman ako si Matias o si Morris, ah.
**********
"What a coincidence! I never expected to see you here!" naibulalas ng bagong dating sa bar. She looked familiar but I don't remember where I met her. Pero mukhang namumukhaan niya ako.
"You don't remember me now? Ugh," patuloy pa ng babae. Napahawak pa ito sa dibdib na kunwari'y labis na nasaktan.
C'mon, Moses! Scan your memories. Hindi ka pa naman ganyan katanda para maging makakalimutin. Isa pa hindi naman marami ang nakarelasyon mong babae para hindi na siya maaalala pa. Sa ganda niyang ito, dapat hindi mo siya kinalimutan!
"Uhm --- Demi?" pagbabakasakali ko. Kamukha niya kasi ang pamosong Hollywood actress ng dekada otsenta na si Demi Moore. Maikli rin ang kanyang gupit. Kapareho no'ng hairdo ng aktres sa pelikula nitong Ghost.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomanceSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...