CHAPTER THIRTY-SIX

11.6K 502 41
                                        

Nagbabasa ako ng libro sa isang mesa sa dulo ng silid-aklatan nang makarinig ng anasan. Parang may nagbubulungan na naghaharutan sa hindi kalayuan. Nang tingnan ko kung saan nagmumula ang ingay, nagkatitigan kami ng batang nakasalamin. Iyong Moses San Diego. Tinutulak-tulak siya ng isang cute na cute na bata rin. Teka. Kapatid yata niya ang kasama. Pareho sila ng mga mata at hugis ng ilong, eh.

"Morris, stop!" narinig kong saway niya sa cute na cute na kasama. The younger boy rolled his eys and sat straight. Tinapunan pa siya nito ng masamang tingin.

Ipinagkibit-balikat ko ang nasaksihan at nagpatuloy ako sa pagbabasa ng textbook namin para sa Araling Panlipunan. Mayamaya'y may bigla na lang lumitaw na isang talutot ng pulang rosas sa harapan ko. Pagtingin ko sa may-ari ng kamay na humahawak no'n nakita ko si Moses. Hindi na ito nakasuot ng salamin. Nangunot nang bahagya ang noo ko. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang mga mata. Kung wala pala siyang salamin, hindi nalalayo ang hitsura niya sa kanyang Kuya Marius! Napangiti ako. Tila nataranta naman siya. Lumingon ito sa pinanggalingang mesa. Nakita ko ang cute na cute na batang lalaki na nag-thumbs up sign pa sa kanya. Nang bumaling na siya sa akin, he smiled hesitantly.

"Helena!" tawag sa akin ng pamilyar na tinig. Hindi ko na kailangan pang lumingon para makilala kung sino ang may-ari no'n. Bigla akong napatayo sabay dampot sa isang tangkay ng rosas. Kaagad ko itong binigay kay Candy nang makalapit na siya sa amin.

"For you raw. Pinabibigay niya. Isn't that sweet?"

Nakita ko ang pagkagulat ni Candy. Nanlaki ang singkit niyang mga mata. Her instant reaction was that of disbelief. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Moses.

"I saw him giving it to you."

Mabilis akong umiling. "It's not for me, Cands. Pinabibigay nga niya for you." Medyo kinabahan na ako dahil dumating din si Bea. Napatingin ito nang may interes sa rosas na hawak-hawak ko at inaalok kay Candy. Siya ang kumuha sa bulaklak. Inamoy niya agad ito.

"So sweet! Thanks, Moses," nakangiting pahayag ni Bea at siya ang nag-abot ng rosas kay Candy. Kaagad iyong kinuha ng huli at tila kinilig na nagpasalamat kay Moses.

I mouthed the words "sorry" to him before I went with my friends towards the exit.

**********

Bago pa magising si Moses kinabukasan, nakaalis na ako sa condo unit ni Shelby. Buo na ang desisyon kong usigin mag-isa si Bea. May dapat siyang panagutan sa akin. Ang dami nilang kasalanan ni Candy! Hindi ko sila mapapatawad pareho. Nang dahil sa kanila'y nagkaletse-letse ang buhay ko. Siguro laking tuwa nila noon nang sini-share ko ang bawat detalye tungkol sa janitor kong si Mon Batumbakal. Napaniwala nila ako na wala silang kamuwang-muwang din na si Mon at Moses San Diego ay iisa!

"Are you okay, Miss?" tanong ng napadaang itim na lalaki. He looked like the former NBA player, Scottie Pipen. Paatras pa siyang naglalakad habang nakatingin sa akin. Marahil nakita niya ang bigla kong pagkuyom ng mga palad at pagsabunot sa imaginary Bea sa harapan ko.

Hindi ko pinansin ang mama. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagugutom ako. May fifty dollars ako sa wallet pero kailangan kong tipirin iyon. Kailangan ko munang makahanap ng matutuluyan pansamantala habang pinaplano ang susunod na hakbang. Naisip ko ang ate kong si Amara. A few weeks ago ay niregaluhan niya ako ng mamahaling mga gamit. For sure, hindi siya mag-aatubiling tulungan ako. Afterall, we are all in good terms now.

I was prepared to smile at her when I knocked on her apartment in Queens pero lalaking hindi ko kilala ang nagbukas ng pinto. Isang malaking bulas na blonde guy. Mukha siyang bouncer ng club sa laki. Kumakagat-kagat siya ng apple at tanging tuwalya na nakabalot sa baywang hanggang kalagitnaan ng hita lang ang suot.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon