"Moses!" narinig kong tawag mula sa likuran ko. Paglingon ko nakita ko ang dali-dali sa paglapit na si Mrs. Rodriguez. Class adviser namin siyang mga grade four pupils.
"Hello ma'am," bati ko agad habang binabalanse sa dalawang kamay ang mga dala-dalang libro.
"I just checked my record, hijo. None of your parents or guardian came to the PTA meeting for you. Didn't you give them my letter?"
Napakamot-kamot ako ng ulo. Sa loob-loob ko'y naisip ko, 'heto na naman kami!'
"My mom came, ma'am."
"She did?" tila nagulat na tanong niya sa akin. Sinulyapan niya ulit ang hawak-hawak niyang papel. Nakisilip na rin ako roon. At nakita ko ang pangalan ni Mommy na naka-spell out pa roon pati na ang kanyang pirma. Itinuro ko iyon.
Nakita kong napasulyap siya sa pangalan ni Mom at napatingin sa akin tapos tumingin uli sa hawak niyang papel. Kitang-kita ko ang pag-double-take niya. Ngayo'y pinangungunutan na siya ng noo. Tila nalilito.
"But that's Matias' and Morris' mom," ang sabi pa niya.
"And my mom, too," malumanay kong sagot.
"Oh. I thought...never mind. Sige, salamat." At tumalikod na siya. Hinatid ko siya ng tanaw. Nakasalubong niya ang isa pa naming guro. Pinakita niya rito ang hawak na papel. Narinig ko nang bahagya na sinabi niya sa kasalubong ang kalituhan sa kung sino ang magulang kong dumating sa meeting. Pati ang isa pang guro ay halos ganoon din ang reaksiyon sa kanya. Paano raw kami naging magkapatid ni Matias?
Napabuntong-hininga ako. No'n may biglang umakbay sa akin. Nagulat ako. Nabitawan ko ang dala-dalang mabibigat na libro about robotics. Tinamaan ng isa ang paa ko.
"Ouch!" sigaw ko sabay siko sa hudas kong kapatid. Pinitik naman niya ang sentido ko.
"Ouch," panggagagad niya sa akin. "Are you gay?"
Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Pinaningkitan naman niya ako sabay hawak sa baba ko. Pina-side view niya ako pakanan at pakaliwa. Kinilatis nang mabuti.
"You look gay. You sound gay. You're gay!" At humalakhak ito.
Bago pa ako makaganti, dumating si Helena at ang mga kaibigan niya.
"Matty!" tawag ng isa sa kuya ko. Naghagikhikan sila't nagtulakan nang mapatingin sa kanila si Matias. Kilig na kilig. Pati si Helena'y tila kinilig din.
Pakiramdam ko may dumaklot at pumiga ng mura kong puso. Nanghina ako agad.
**********
Inamoy-amoy ko ang buhok ni Helena. Ang bangu-bango. Walang kasing bango. Humalik ako sa noo niya. Pumikit siya ng mga mata. Hinalikan ko ang talukap ng kanyang mga mata. Nanatili siyang nakapikit. Hinagkan ko ang kanyang pisngi na hilam sa luha. Hindi siya pumalag. Labis akong natuwa. Dala na marahil ng emosyon, hindi ko alintanang maraming tao sa paligid namin. I kissed her softly on the lips. Pag-angat ko ng mukha nagkasalubong ang aming mga mata. She looked at me with tender eyes. Kakaiba sa kadalasang tingin niya sa akin. Nang akmang bababa na naman sana ang mukha ko para halikan na naman siya sa labi, may bigla na lang kumalabog. Paglingon ko sa pinanggalingan no'n, nakita kong natumba ang upuan sa tabi ni Eloisa dahil sa pagmamadali nitong umalis doon. Saka ko lang naalala na nandoon pala ako para sa date naming dalawa.
"Ay, ano ba naman iyan! Two-timing bastard!" komento ng isang matandang ale sa hindi kalayuan sa mesa namin ni Helena. Nagbulongan sila ng kasama niyang matrona rin.
"Hindi na nahiya. In broad daylight? My gosh! And the nerve of the other woman to just snatch the guy from the real girlfriend," sabi ng isa namang kolehiyala sa katabi nilang mesa.
BINABASA MO ANG
PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)
RomansaSAN DIEGO SIBLINGS SERIES #4 (MOSES' STORY) ********** Si Helena Bianchi ang tipo ng babae na hindi naniniwala sa forever. Lumaki kasi siya sa isang broken family at napapaligiran pa ng mga kaibigang puro luhaan sa pag-ibig. Hindi niya inakala na sa...