CHAPTER TWENTY

10.7K 558 84
                                    

"Anak, bakit nandito ka? Why don't you join your brothers in the garden?"

Naupo pa si Mom sa tabi ko sa favorite spot ko sa library sa bahay. Iyong sa pinakadulo na pinaglalagyan namin ng mga aklat tungkol sa robots at computers. Dati-rati'y kasama ko si Morris na nagbabasa ng mga ito pero ngayon ay mas gusto na rin niyang naghahabol ng mga paruparo o nangunguha ng gagamba kaysa magbasa.

"I'm okay here, Mom. I'll just finish reading this book. It's interesting kasi, eh."

Pinakita ko sa kanya ang libro. Nang makita niyang tungkol na naman iyon sa mga robots, napangiwi siya. Nagsabi pang hindi ba ang dami ko nang nabasa tungkol doon? Hindi pa raw ba sapat ang mga natutunan ko?

"Why don't you put that down first and have fun with your siblings nang maarawan ka naman. Tingnan mo ang putla-putla mo na."

I adjusted my glasses on my nose and flipped the next page. Hindi na ako sumagot kay Mom. Para sa akin wala nang mas interesante pa sa binabasa ko. Ang boring kaya makipaghabulan sa insekto o hindi kaya maglaro ng bola sa garden. Lagi namang nananakit lang sa amin ni Morris si Matias. Minsan, pakiramdam ko, nagkukunwari lang siya na sumisipa sa bola pero ang totoo niyan ay gusto lang talaga niya kaming lumpuin ni Morris. Ewan ko ba roon. Siguro talagang sadista ang abnoy na kuya naming iyon.

Hindi na namilit si Mom na palabasin ako. Umalis na lang ito dahil hindi ko na kinausap. Ang sumunod na pumasok ay si Yaya Metring. Ganoon din ang pakay. Hindi ko rin siya kinibo hanggang sa kusa na lang lumabas ng library. Nang may marinig na naman akong yabag papasok, tumalikod na ako sa direksiyon ng pintuan. Ayaw ko na ng istorbo.

"What are we doing here, Matias?" narinig kong tanong ng isang boses-babae.

I froze. Kilala ko siya. Kaibigan siya ni Helena!

Bago pa ako makatayo sa bean bag kung saan ako nakahilata, bumalandra na sa paningin ko ang pagmumukha ng babaeng laging laman ng puso't isipan ko. What in the hell is she doing in our house?!

"You look familiar," sabi niya agad sa akin. "What are you doing here?"

"H-ha? A-ako b-ba?"

Hindi ba dapat ako ang nagtatanong n'yon sa kanya? Ano ang ginagawa nila sa bahay namin?

"Helena!" tawag sa kanya ng isang batang babae. Ito ang may-ari ng boses na narinig ko kanina. Kabuntot nito si Matias.

"Oh, there you are, lil bro." At ngumisi ito sabay akbay sa dalawang babae. Ni hindi man lang siya tinabig ng mga ito! Pati na ni Helena!

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Huwag niyang sabihing---Hindi ko naituloy ang iniisip kahit na sa utak ko lang. Nanlalambot kasi ako at awtomatikong napakuyom pa ang mga palad.

**********

Ayaw ko sanang lisanin ang Chantilly na hindi pa rin ako nakalalapit sa puso ni Helena kahit kapiranggot lang, pero ganoon talaga. Siguro hanggang doon na lang kami. Ayaw ko nang maniwala sa sinasabi ni Yaya na baka nga gusto lang niyang magpa-hard to get. Kung ganoon nga ang motibo niya'y dapat nag-give in na ito. Buntis na siya! At malamang ako ang ama niyon!

Ganoon ba talaga ang pagkamuhi niya sa estado ko? I mean, ni Mon Batumbakal? Sukdulan hanggang langit? Napaka-materialistic naman niya. Wala nang ibang mahalaga kundi kayamanan!

Bago ko tinungo ang airport, dumaan muna ako sa Bianchi-Moretti building. For the last time, nagbakasakali akong masilayan man lang sana siya. Okay, okay. Desperado na kung desperado. Gusto ko lang siya makita for the last time dahil pagkatapos nito'y pinapangako ko nang hindi na siya hahabulin pa.

PERFECT MATCH (MOSES SAN DIEGO'S STORY - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon