Chapter 01: Goodbye Again

4.9K 110 63
                                    

Author's Notes:
Please play the song. You'll thank me for it.

Sean: Jake, what time is it? Ba't di mo ako ginising?

"You look handsome as always
Never fail to take my breath away
He's a lucky guy to have you
How'd I ever let you slip away?"

Sean: Jake! Tulala ka na naman diyan.

Narinig ko na naman ang boses niya.

Gising na pala si Se. Matagal-tagal din pala siyang naka-idlip. Hindi ko muna siya nilingon. Hindi ko pa kaya. Maya-maya pa, naramdaman kong papalapit na siya kung saan ako nakatayo habang nakatanaw ako palabas sa tubigan gawa ng naramdaman ko na na-yanig yung lumang sahig habang humahakbang siya papunta sa bintana.

Naramdaman ko siya sa tabi ko. Nilusot niya yung kaliwang kamay niya sa ilalim ng kanang braso ko tapos ipinatong niya sa kamay kong naka-tuon sa may pasamano ng bintana.

Jake: Ano pa bang gagawin ng isang Jake sa mga panahon na ganito? Wala na.

Napa-buntong-hininga na lang ako.

Tiningnan ko yung naka-patong niyang kamay sa kamay ko. Medyo ma-dilaw na yung liwanag ng araw na natama sa amin. Napansin ko kung gaano talaga ka-puti na halos parang gatas na yung kulay ng balat ni Se sa ilaw na 'to. Lutang na lutang yung mga daliri niya sa kulay ng balat ko habang pinipisil niya yung kamay ko.

Jake: Wala nang magagawa kungdi Matulala, Manghinayang, Mag-sisi—

Sean: I don't know what to tell you na, Jake.

Sabihin mo sa 'kin na ako lang ang dapat nasa tabi mo, Se.

Sabihin mo sa 'kin na ako ang pipiliin mo, Se.

Sabihin mo sa 'kin na tama akong ipag-laban ka, Se.

Hindi ko kayang sabihin sa kanya.

Saglit pa, umihip na naman yung hangin. Hindi gaano kalakas pero ito yung familiar na hanging na-daan sa parteng ito ng Tubigan pag ganitong oras. Maririnig mo yung langingit nung magulang na mga kawayan, at maghampasan yung mga dahon ng niyog, at kung saan ako nakatanaw ngayon pati yung mga butil ng palay na malapit nang anihin parang uma-alon at na-sayaw.

Jake: Kasalanan ko rin 'to. Siguro kung hindi lang ako naging duwag noon. Kung nagawa kong pumanhik sa Mataas-na-Bahay tuwing alam kong na-uwi ka. Kung tinawag kita tuwing bukas ang ilaw sa kuwarto mo. Kung hindi kita iniiwasan pag alam kong papunta na kayo—

Sean: Please, Jake, tama na. This isn't helping.

Naramdaman ko yung pag-sandal sa 'kin ni Se. Naka-kapit pa rin siya sa kamay ko tapos ngayon naman yung kanang kamay niya naka-hawak sa braso ko. Alam ko na yung bawat kapit niya nakiki-usap siya na tumigil na ako. Ayan, pati ulo niya naka-sandal na sa balikat ko.

"In a completely perfect world
The two of you would not have met
You would look so radiant there
In your tie and vest"

Jake: Ano ba yung makaka-tulong ha, Se? Mabibili ko ba 'yon at mai-inom ko bago ako maka-tulog —kung makakatulog man ako ngayong gabi tapos pag-gising ko bukas wala na 'tong nararamdaman ko para sa 'yo? Tapos heto pa.

Kumawala ako sa pagkaka-kapit niya sakin at napa-pihit ako sa kanan ko kung saan siya naka-puwesto. Sakto lang yung pag-tama nung araw sa mukha niya na parang nag-aagawan yung medyo yellow at halos pa-orange na ring kulay ng mababang araw sa hapon.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon