EPILOGUE

1.2K 80 72
                                    



2021 February

Blue Residences
Katipunan Avenue
Quezon City
8:18 pm

Jake [on the line]: Ba't kasi ayaw niyo pang pumayag na lumipat na lang sa bahay ng Tatay?

Agnes [on the line]: Anak, alam mo namang mas gusto ko rito sa may Santa Clara Sur —mas gusto ko ritong tumira kung saan ko kayo pina-laki ng Kuya Mack mo.

Jake [on the line]: Kaya nga, onting tiis pa Ma. Ayaw mong umalis diyan sa lumang bahay natin, yung bahay natin ang pina-renovate ng Tatay.

Agnes [on the line]: Hindi ako sanay, Jake. Kanina nga, nung sinama ako ni Ramon para pumili ng tiles para sa baño, ang tagal bago kami makapag-decide. Oo nga pala, yung baño niyo daw ng Kuya mo, share daw kayo —nakapa-gitna sa dalawang kuwarto niyo— okay lang daw ba 'yon tanong ng Tatay mo?

Jake [on the line]: Basta po may kuwartong matutulugan at may matinong baño na mapapaliguan, okay na 'ko.

Agnes [on the line]: Ah ma-iba pala ako, Jake. Di ba ngayong February ang birthday ni Kelso?

Jake [on the line]: Ngayon nga po. Ngayong-ngayon...

Agnes [on the line]: Ang ibig mo sabihin, ngayong araw na to mismo?

Jake [on the line]: February 21 po Ma, today nga po.

Agnes [on the line]: Ba't hindi mo pina-alala sa 'kin? Saka hindi ko rin namalayan sa Facebook. Madalas may reminders na na-labas, di ba?

Jake [on the line]: Ang alam ko, hindi yata pina-public ni Kelso ang birthday niya saka walang puwedeng mag-tag sa kanya o mag-post sa timeline niya. Medyo maselan kasi siya sa Facebook account niya, Ma.

Agnes [on the line]: Ah ganoon ba? Sige ite-text ko na lang ang greetings ko. Ano palang plano niya? Mag-celebrate ba kayo?

Jake [on the line]: Nag-luto po ako kanina sa bahay ni Tito at kinuha yung cake na in-order ko sa may Fleur de Lys tapos dinala ko dito sa condo ni Kelso. Hini-hintay ko nga siyang dumating.

Agnes [on the line]: Sige, pa-sabi na utang na lang ang birthday gift ko sa kanya kasi busy ako.

Jake [on the line]: Sabihin ko po.

Agnes [on the line]: Sige, baka may mga dapat ka pang gawin diyan. Oo nga pala, Jake, huwag mo kakallimutan na ikaw ang mag-lalagay ng pagkain sa plato niya, asikasuhin mo't paka-tutukan kasi birthday niya, ha?

Jake [on the line]: Opo, Ma.

Agnes [on the line]: Oh siya, bye na muna, 'nak. Love you.

Jake [on the line]: Love you din, Ma. Bye po.

_ _ _

JaKieran:
Saan ka na?

KelSungit:
Still along Katipunan just before White Plains.

JaKieran:
Traffic ba?

KelSungit:
Friday kasi. Rush hour's making it worse. Whatchadoin?

JaKieran:
Naka-higa lang. Kapagod kasi kanina.

KelSungit:
I shouldn't be texting while driving. Will message you when I'm at the condo na, okay?

JaKieran:
Okay okay. Ingat sa pag-drive.

_ _ _

Jake: Happy Birthday!!!

Kelso: What are you doing here? I thought nasa bahay ka—

Jake: Surprise ngaaa...

Kelso: Ni-baliktad mo. You're supposed to shout "Suprise" when I opened the door then you say Happy Birthday!

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon