Chapter 45: ChristmasCon

1.1K 52 12
                                    


Author's Notes: RAW and Unedited Version. Will edit again soon.

Manila Cathedral
Intramuros
Manila
1st Sunday of December

Nung sinabi ni Kelso na sasamahan namin ang Lola Barbara niya mag-simba at manood ng prusisyon sa Manila Cathedral, hindi ko ini-expect na hindi lang basta misa at prusisyon ang a-attendan namin. Dapat sana si Ate Beatrice ang kasama ng Lola ni Kelso pero may emergency daw sa isang event na siya ang nag-organize kaya naman biglaan kami nag-ready ng Sunday morning para mag-punta sa Forbes Park.

Kanina, habang naghi-hintay kami matapos mag-ready si Lola Barbara.

Jake: Okay na ba hitsura ko?

Tanong ko habang naka-harap sa malaking mirror sa may sala ng mansion ni Lola Barbara.

Lumapit si Kelso at nag-muwestra na humarap ako sa kanya.

Kelso: Crisp white long sleeved shirt folded three fourths of the way, tucked in, slim fit camel shade slacks, white leather sneakers, and grey blue belt as a touch— perfect.

Jake: Bakit pala itong blue yung belt na pinili mo?

Pansing-pansin kasi talaga siya sa outfit na pinili ni Kelso.

Kelso: It's a Marian event so white and light blue makes a statement.

Lola Barbara: You boys look good.

Kelso: Not as good as you, Lola. Eric Pineda?

Bumaba mula sa hagdan ang Lola ni Kelso. Naka-puti siya na sina-unang gown, yung favorite na isuot ni Imelda Marcos. Nasa dulo na ng dila ko ang tawag pero di ko ma-alala. Pero ang elegante ng bihis at alahas niya. Naka-sunod sa kanya si Yaya Jen na may bitbit na parang sash na pang pageant na may kulay na white at light blue.,

Lola Barbara: Yes.

Kelso: You've always loved Tito Eric's gowns and the way they fit on you.

Jake: Good afternoon po.

Lola Barbara: So nice of you to join us, Jake.

Sumakay kasi sa white Mercedes Benz papuntang Intramuros.

Pagka-rating namin doon, saka ko napag-tanto na hindi lang palang simpleng misa at prusisyon ito. Kung ang Lola Barbara lang ni Kelso mag-isa ang basehan, isipin mo na lang na may mga twenty pang gaya niya ang estado sa lipunan ang naroon, ganoon ka-bigat ang mga visita.

Kelso: Lola kasi is a member of the Cofradia de la Inmaculada Concepcion since the 1980s, I think. They're made up of high society people —old and new money— pero mostly old and they have like charities that they support through the Cofradia.

Jake: Kasali din pala rito si Don Ado Escudero.

Kelso: Yeah, he's like a founding member, I believe. My Lola is also friends with the late Imelda Ongsiako Cojuangco, sila usually magka-tabi during the mass and while watching the procession.

_ _ _

Manila Cathedral
Intramuros
Manila
1st Sunday of December
6:20 pm

Matapos ang misa, nag-simula na ang prusisyon. Ang mga members ng Cofradia kasama ng Lola Barbara ay umupo sa labas upang panoorin ang pag-parada ng mga rebulto ni Mama Mary. Kami naman, nag-hanap ng matatambayan sa may gilid ni Kelso at Yaya Jen. Kasama namin ang mga companions ng mga alta sociedad —magka-halong mga Yaya, Nurse, Personal Assistant, mga apo o pamangkin doon sa may malapit sa torre ng cathedral. May ilang kilala si Kelso at na-introduce niya ako sa kanila.

First time kong maka-kita ng ganito ka-rangyang prusisyon at ganito ka-raming version ni Mama Mary. Iba kasi ang prusisyon pag Mahal Na Araw, may kuwento eh heto puro si Mama Mary lang. Ang dinig ko halos nasa 100 daw ang mga sumali at marami sa mga Virgin Mary ay galing pa sa malalayong lugar gaya ng Ilocos, Nueva Ecija, at Cebu. May mga mukhang gawa sa garing —sa hitsura pa lang antiguo na talaga sila. Sanay naman ako sa hitsura ng burda, gamay ko ang sinasabi nilang synthetic at yung tinatawag nilang hilos na galing Spain. Bata pa ako, kami na ni Kuya Mack ang kasama ng Lolo Ruben na mag-asikaso ng mga poon nina Doña Doray at ng Lola Idang.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon