Chapter 08: Family Day Part One

2.1K 78 38
                                    

6:13 am
Blue Residences
Katipunan Avenue

Jake: Jaydee... Jaydee... Huy, gising na.

Bulong ko kay Jaydee habang kina-kalabit ko siya para ma-gising.

Jaydee: Mamaya naaaa... Gusto ko pa matulog.

Tulog pa si Kelso kaya pilit kong hini-hinaan ang boses ko habang gini-gising ko si Jaydee.

Jake: 6:13 na! 7:00 am ang call sa gym!

Jaydee: 5 minutes.

Pilit pa nito.

Jake: 5 minutes ka dyan! Bangon na!

_ _ _

Kumuha ako ng isang pirasong papel sa desk ni Kelso at nag-sulat.

"Sorry.
Hindi ka na namin ginising. Himbing ng tulog mo. May 7:00am call kami sa gym. Message kita maya. Thanks uli.

Jake"

_ _ _

2:30 pm

College of Human Kinetics

UP Diliman

Jaydee: Ang ulo kooooo parang binibiyak...

Binuhos ni Jaydee ang natirang tubig sa bote ng distilled water sa ulo niya. Napa-upo kami sa isang sulok ng CHK Gym pagkatapos namin ma-dismiss sa training.

Jake: Sino ba naman kasi nagsabing ubusin mo yung buong bottle ng Black Label?

Hindi man ako napa-rami ng inom kagabi, pakiramdam ko pagal-na-pagal ako sa training. Hindi talaga ako sanay sa mga inuman. Parang hinampas ako ng Capre sa pagod.

Jaydee: Oo na...

Napa-hawak si Jaydee sa ulo niya na halos sabunutan na ang sarili niya.

Jake: Sure kang okay ka na?

Tanong ko sa kanya na may halong pag-aalala.

Jaydee: Ewannnn... Huwag munang madaming tanonggggg...

Napa-yuko na lang siya hawak pa rin ng dalawang kamay ang ulo niya.

Jake: Sino kasi may kasalanan niyan?

Jaydee: Kuhhhlllleeeeehhhhhhttttttt... Si Manong Johnnie nga! Si Manong Johnnie na malakas sumipa!

Naisipan kong asarin ng kaunti pa si Jaydee.

Jake: Hindi yan kasalanan ni Manong Johnnie. Nananahimik si Manong Johnnie, sino ba ang salin nang salin sa kanya sa baso?

Napa-tawa kami pareho.

Jaydee: Libre kasi.

Jake: Uwi na. Kailangan mo ng tulog.

Sabi ko sa kanya. Napa-buntong-hininga si Jaydee.

Jaydee: 'Tol, yung— yung mga— yung nai-kuwento ko kagabi.

Jake: May nai-kuwento ka kagabi?

Ang natutunan ko sa pakikisama kapag nahihirapan ang mga tao magsabi at alam mo na ang dahilan, kailangan mo sila unahan ng assurance.

Jaydee: Thank you, 'tol.

Jake: Ito lang, Jaydee. Kung ano man ang hindi niyo pagkaka-unawaan ni Dwight, dapat magka-usap kayo. Three years na kayo magka-kilala, di ba—

Jaydee: Huwag na muna, please—

Jake: Pakinggan mo 'to, Jaydee. Sa sitwasyon mo, may masasaktan at masasaktan. Hindi naman mai-iwasan yan. Pero huwag ka rin maging madamot sa hanggang saan ang kaya mo ibigay. Yun nga lang, dapat malinaw sa inyong dalawa.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon