7:47 pmBahay ni Uncle Jess
Quezon City.
Kelso: Here you are. Home. Delivered. Safe and Sound.
Proud na proud pa 'ata si Kelso sa pagkakasabi niya.
Jake: Ginagawa mo naman akong bata niyan.
Biro ko sa kanya.
Kelso: Well, considering that we're under 21, bata pa naman tayo.
Mabilis talaga si Kelso sa mga banat. Kaya sila magkasundong-magkasundo ng Ate Beatrice niya.
Jake: Namimilosopo ka na naman. Paano? Salamat para sa today. Pasok na 'ko?
Hinawakan ko ang latch ng pinto para buksan ito nang bigla komg naramdaman ang pag-kapit ni Kelso sa kaliwang braso ko.
Kelso: Hey, Jake... Thank you. Seriously, Thank you.
Kahit sa malamlam na ilaw na lumulusot papasok sa car ni Kelso, nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha niya. Yung tension sa kilay niya, yung talas ng pagkakatitig niya, yung confidence sa pag-smile, at pati na yung pabugso-bugsong pagsu-sungit na nakasanayan ko na, bigla na lang parang maskarang hinubad at lumabas ang Kelsong hindi guwardiyado.
Jake: Ako nga dapat mag-thank you. Libre na lunch, libre pa merienda, libre hatid at sundo—
Kelso: Ha-ha-ha... Real funny. You know what I mean. Really, thank you.
Alam ko naman ang ibig niya sabihin.
Jake: Nag-enjoy ako, promise.
Kelso: Saan ka nag-enjoy? Sa gutter theatricals ni Auntie Myrna or my Shianghio relations' dysfunction in general?
Jake: Nag-enjoy akong kasama ka— Ah kayo— ni Ate Beatrice. Tingnan mo oh, may gift agad ako.
Sabay angat ko sa maliit na paper bag na hawak ko. Nakakahiya nga tanggapin, pero kulang na lang i-tape ng cousin ni Kelso sa 'kin 'tong perfume na niregalo niya.
Kelso: Mahirap talagang tanggihan ang Ate Beatrice. I have yet to see anyone with that kind of convincing power or can exert influence like her. Dapat siguro siya ang pinag-nenegotiate with the CPP-NPA.
Jake: Baka pag-upo pa lang niya sa negotiating table, alukin na niya ng —ano nga ba tawag 'don? Ah! Baka alukin na niya ng makeover ang mga rebelde.
Kelso: I would not put it past her. She'd be like, "Hello, Ka-Roger! That red scarf is so 1970s! Mas malakas na fashion statement ang pocket square, you know! And that beard ha, please don't get me wrong, uso ang beard pero dapat natin i-trim. Like no to Mala-gubat na beard. Nasa gubat na nga mga rebels, magubat pa your face! Ewwww!"
Jake: Hahahaha! Gayang-gaya mo!
Tok-tok!
Nagulat ako nang may kumatok sa salamin ng kotse sa side ko.
Napalingon ako sa kanan habang bina-baba ni Kelso ang salamin.
Jake: Ma!
_ _ _
Laking gulat ko na ang mukha ni Mama ang nakita kong naka-ngiti sa akin pagka-baba ng salamin.
Agad kong binuksan ang pinto at bumaba sa car ni Kelso.
Nag-bless ako at yumakap kay Mama.
Jake: Anong gina-gawa mo dito, Ma?
Agnes: May 5-Day Seminar kami para sa mga case workers at volunteers ng NGO sponsored ng ASEAN simula bukas. Nakapag check-in na ako sa hotel kanina kaso wala naman akong gagawin kaya nagpa-sundo muna ako sa Kuya Mack mo. Sakto dating mo, nagluto ako ng hapunan.
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series