Chapter 05: The Influencer

1.6K 83 24
                                    


Taylor: You know Sean San Dejas and Joaquin Montinola? As in know-know them?

Yung mga tuhod kong nagsimulang manlambot mula sa kanilang pagkaka-tayo kanina pa habang kaharap si Se ay dinala akong muli sa upuan ko.

Taylor: Jake—

Jake: Ha?

Parang nag-hiwalay ang utak ko at ang katawan ko. Kinuha ko yung baso ng tubig sa kanan ko sa lamesa at uminom.

Taylor: Kilala mo pala si Sean San Dejas at Joaquin Montinola?

Hindi ako sanay na marinig yung pangalan nilang dalawa sa iisang sentence.

Jake: Ah si Se? Ah oo— Ah Yung Lolo ko kasi encargado sa mga lupain nila doon sa amin.

Kelso: What's an encargado?

Oo nga pala, bihira na gamitin ang salitang 'yon sa panahon ngayon.

Jake: Katiwala sa taniman o kaya sa mga negosyo na may kinalaman sa agriculture.

Kelso: You're telling us na katiwala sa farm ang lolo mo pero you're uncle owns a Ducati which you use every once in a while?

Hindi ko ma-masamain ang ganitong pagtatanong ni Kelso kasi naiintindihan ko kung bakit hindi niya mapag-tagpo yung mga sina-sabi ko.

Jake: Nakiki-tira lang kasi kami ng Kuya sa uncle ko para maka-tipid sa puwedeng gastusin sa dorm. Wala na kasi siya kasama sa bahay simula nung umalis para mag-nurse sa Milan yung anak niya.

Taylor: Stop prying, Kelso. You're going to scare Jake away. Like you scared—

Kelso: Change topic or you're eating chopsticks.

Biglang pinitik ni Kelso yung dalawang chopsticks na nilalaro niya malapit sa ilong ni Taylor na hindi na magawang tapusin ang sinasabi niya. Natawa ako sa reaction ni Taylor na parang may usapan silang dalawa ni Kelso na silang dalawa lang din ang nakaka-intindi.

Jake: Okay lang 'yon. Mahirap ipa-liwanag kasi ganoon na talaga.

Lumagok uli ako ng tubig sa basong na-inuman ko na. Nung nai-lapag ko na yung baso saka ko namalayang hindi ko pala baso yung na-inuman ko pero parang walang napansin yung mga kasama ko rito.

Kelso: Jake, I'm sorry if ever may na-overstep akong boundaries.

Kita ko yung pagka-balisa sa mukha niya sa nangyari ngayon lang. Naka-tingin sa baba si Kelso. Sa mga ganitong galaw ng tao, alam mong may na-aalala siyang bigla sa biro ni Taylor na naudlot gawa ng pagpitik niya ng chopsticks.

Jake: Wala 'yon, Kelso.

Kelso: Promise?

Parang bata siya sa tono niya habang nagtatanong ng "promise".

Server: Here's your order, sir.

Hindi ko napansin na nandito na pala yung pagkain namin. Kaya habang nilalatag ng babaeng server yung mga order sa lamesa, naisipan kong sagutin na lang agad yung hindi mai-match ni Kelso sa mga sinasabi ko. Dahil naisip ko din na hindi naman talaga nila alam yung background ng family ko.

Jake: Sige, ganito. Para naman ma-sagot yung mga tanong mo. Encargado ng Hacienda Santa Ines ang Lolo ko, siya yung nama-mahala sa mga kasamá o yung mga magsasaka sa lupa doon. Palay at niyog ang ina-ani sa lupa na ang Lolo at Lola ni Sean ang may-ari.  Mag-kababata kami ni Sean. Ang Mama ko case worker sa DSWD sa amin at noong college siya, pina-aral siya ng Lolo at Lola ni Sean. Kaya parang ka-pa-tid ko na rin si Se. Si Sean.

Parang kapatid. Bakit ba 'yon ang lumabas sa bibig ko?

Brian: You have to admit, Kelso, those details —nasagot na siguro mga questions mo?

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon