Heaven
Manila Fright 6.0
Whitespace Manila
3:21 am
Jake: Buti na lang pala sumama ako kay Goz sa baba.
Bulong ko kay Kelso habang busy siya sa phone niya sa pag-monitor sa mga posts sa IG at mga tweets sa Twitter.
Kelso: Really? Why is that?
Jake: Nagse-selos ka rin pala.
Napa-tigil siya sa gina-gawa niya. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya habang dahan-dahan niya akong nilingon.
Kelso: I did not-
Jake: I have a collective count of 1 million followers!
Pilit kong ginaya ang pagta-taray niya kay Portia kanina.
Jake: Kung nakita mo lang ang mukha mo, Kelso.
Sabay lagok ko sa inabot sa 'king shot ni Brian.
Kelso: That's not making selos!
Bulong niya sa 'kin na may halong diin sa bawat salitang binibitawan niya.
Jake: Eh ba't ganyan ka maka-react?
Kelso: Jake Kieran Reglos-
Jake: Shhhhh... Ang daming tao dito, huwag mo na ituloy yan. Inom.
_ _ _
Blue Residences
Katipunan Avenue
5:21 am
Kelso: Did you see the look on Goz's face nung nagising siya? It's like hindi niya alam na tapos na!
Jake: Parang si Jaydee lang din yan si Goz pagdating sa inom, mababa ang limit.
Sagot ko kay Kelso habang papasok kami sa unit niya.
Kelso: Wait, what happened to Jaydee?
Jake: Sumama doon sa isa pang rabbit.
Sagot ko pagka-upo ko sa couch niya. Nilapag ko yung headdress ng Tikbalang at yung necklace na ke-terno nito sa tabi ko.
Kelso: No nga? Di ba he has a girlfriend?
Curious na tanong ni Kelso habang nila-lapag ang mga pakpak ng manananggal na parte ng costume niya.
Jake: Hayaan mo na si Jaydee, alam na niya ginagawa niya.
Kelso: Are you hungry?
Tanong niya sa 'kin.
Jake: Sakto lang.
Kelso: I want something like soup... Alam ko na, let's make ramen.
Binuksan niya ang pinto ng cupboard at hinanap ang gusti niyang kainin.
Jake: Dapat pala pinapa-inom kita lagi...
Sabi ko habang tinitingnan ang phone ko.
Kelso: What did you say?
Tanong niya habang nagsa-salin ng tubig sa water percolator. Hindi 'ata ako narinig.
Jake: Ang sabi ko, dapat pala na-inom ka paminsan-minsan.
Kelso: And why is that, ha?
Jake: Nababawasan ang taray at ang sungit mo.
Kelso: I beg your pardon-
Sinimulan na niyang pa-initin ang tubig.
Jake: May two hours na mula nang hindi nag-santo yang mga kilay mo.
![](https://img.wattpad.com/cover/155247961-288-k973951.jpg)
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series