Kelso: We tailored our report around one of Manila's most ecclectic districts: Quiapo. For many of us, Quiapo has always had this seedy and rather grimy reputation. We've all heard of it being branded as pugad ng mga snatcher, bilihan ng pirated dvd, bilihan ng pampa-laglag, among other less favorable descriptors. We have here, in the middle of the room, a simple board game to take you through the Quiapo Experience.Sa halos two months na pagha-handa para sa presentation namin sa class ni Mr. Avedaño, hiwa-hiwalay naming ginawa ang mga assignments namin according sa instructions ni Kelso. Hindi niya pinapa-lampas ipa-alala sa amin ang mga naka-assign sa amin para sa actual presentation. Si Kelso ang naka-assign sa introduction at nagsilbing game master. Si Taylor ang nag-explain sa history ng mga landmarks at historic houses. Si Brian ang nag-ooperate sa laptop ng powerpoint at video na naka-flash sa isang LED TV —excited din siya sa pag-explain tungkol sa mga bilihan ng santo, herbal medicine, pampa-regla, gayuma, pati na ang mga pang-taboy at panlaban sa mga aswang at masamang espirito. Ako ang na-assign sa parang food trip portion kasama na ang mga restaurants at iba pang puwede kainan at kainin sa map ng Quiapo. At nagpa-dala talaga si Kelso sa classroom namin ng mga pagkain gaya ng lumpiang sariwa, pritong isaw, squidballs, kwek-kwek, ham galing sa Excelente, at ang hopia na favorite ni Taylor. Pati si Yaya Jen may special participation kasi siya ang nag-deliver at nag-bantay sa parang tindahan sa classroom kung saan puwede mo bilhin ang mga pagkain gamit ang play money na pina-gupit ni Kelso.
May nabunot kaming mga classmate na nag-laro na kunwari magka-date sila at sa Quiapo nila naisipang pumunta.
May isang group na pina-hulaan namin ang laman sa pamamagitan ng pag-kapa sa nasa loob ng secret box na kita ng audience ang laman pero sila hindi. May supot ng pito-pito, yug bote ng pampa-regla, isang anting-anting, pati ang pinatuyong buntot ng pagui.
Parang hindi klase ang nangyari sa mga oras na 'yon. Kita ko kung paano tuwang-tuwa si Kelso sa sarili niya habang nakikita niyang mag-enjoy ang mga classmates namin.
_ _ _
Mr. Avedaño: I must say, that is is quite impressive, guys. Even the interactive board game part as well as the audio-visual presentation, the live streaming on FB and IG, and other social media components. I'm starting to feel na if I ask your group to submit other requirements, it would pale in comparison to what we just experienced here. Baka hindi ko na lang siguro kayo papasukin for the rest of the sem?
Taylor: For real, sir?
Na-excite naman yata si Taylor sa idea na hindi na papasok sa natirang mga araw ng semester.
Mr. Avedaño: Biro lang. What kind of teacher would I be if I send you off into the world with your minds half-baked?
Sabi ko na. Wala namang teacher na gustong mabawasan ang students sa class niya.
Taylor: Ay, fake news.
Ang tapang din talaga nito ni Taylor sa mga ganitong situation. Hirap kayang sumagot-sagot sa teacher basta-basta.
Mr. Avedaño: Ikaw ha, Mr. Chua, baka gusto mo maging fake news ang grade mo?
Kelso: You'll have to forgive Taylor, Sir. Kulang lang siya sa kwek-kwek today. But if it's just HIS grade na magiging fake news, I'm in favor.
_ _ _
Makati Shangri-la
8:30 pm
School, Training, Extended Practice Hours, tapos may Rehearsals pa para sa Gala Dinner.Paano ko hahatiin ang sarili ko? Bakit pa kasi ako pumayag na sumali pa rito? At si Coach naman pumayag pa talaga na ma-excuse kami tonight. Para namang hindi at-stake ang paghahabol namin sa championship this year. Ngayon na nga lang daw ang taon na nagkaka-linaw 'yon para pa kaming nagsa-sayang ng oras sa ganito.

BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
Любовные романыWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series