Chapter 44: Pasahan ng Papel

1K 60 8
                                    


Hotel Sofitel
CCP Complex
Thursday
7:21 pm

Kelso: Ladies and Gentlemen, Let us welcome our newly engaged couple: Tita Agnes and Tito Ramon!

Ang sabi sa 'kin ni Kelso, nagpa-ready ang Tatay ng munting celebration sa may Sofitel. Kumuha pala siya ng Function Room at hindi ko alam na si Kelso ang naging punong abala. Kaya pala hiniram niya ang isang staff ng Ate Beatrice at puro siya tawag at bigay ng instructions sa phone nitong nakaraang mga araw. Kaso hindi naging malinaw sa 'kin kung para saan ba ang pinagka-kaabalahan niya.

Agnes: Kelso!!!

Kelso: Congratulations, Tita!

Agnes: Thank you, anak.

Kelso: May I see the ring po?

Agnes: Heto.

Kelso: Is it the same ring po from 20 or so years ago?

Agnes: Yes. Hindi ko na-imagine na masu-suot ko muli 'to.

Kelso: You deserve this shot at happiness naman po, Tita. For a moment there I was thinking lagot paano if we lose this game? Paano if Tita Agnes says no to Tito. I was like, do we tell people tuloy ang dinner parang like eat your feelings away because of failed expectations?

Agnes: Sabi ko na, may kinalaman ka rin dito!

Jake: Ma, sila ni Papa ang magka-usap tungkol dito sa dinner.

Agnes: Thank you ha, Kelso.

Kelso: Think nothing of it po, Tita. I'm just happy to be part of this moment with you.

May mga visitang familiar sa 'kin. Mga kilala ni Tatay na Taga-Guitnang Bayang Pinagpala na sa Manila naka-base na ka-edad nina Tatay at Mama. Invited din ang buong team namin at ang coaching staff —bilang din sila ni Kelso sa guest list.
_ _ _

Umupo kami ni Kelso sa table kung nasaan ang Doña Idang na kausap si Kuya Mack.

Kuya Mack: Ma-iwan ko muna kayo, nakita ko si Ninong Henry.

Jake: Sige, ako na muna dito.

Tumayo si Kuya at pumunta sa kung saan naandon ang Tatay at mga kausap niya.

Doña Idang: That was quite an exhilirating game, hijo.

Sabay kapit niya sa braso ko.

Jake: Buti po umabot kayo.

Doña Idang: Despues [after] kang tumawag noong Lunes ng hapon, nagma-dali ako magpa-book ng hotel room sa Fairmont since Makati Shangri-la was fully booked.

Paliwanag niya.

Jake: Paciencia na po at medyo last minute. Noong Lunes ko lang din po nalaman.

Doña Idang: Basta for you, Jake, know that it's not an abala.

Napa-smile naman ako sa sinabi niya.

Jake: Thank you po talaga.

Doña Idang: And besides, finally nakita na kitang mag-laro ng basketball. I keep asking Kelso and Agnes what's happening because the only sport I understand is tennis.

Kelso: And Polo, you told me po.

Dugtong naman ni Kelso.

Doña Idang: Ah yes, polo, of course. Kelso was patient enough para i-explain sa 'kin ang nangyayari.

Kelso: With my very limited knowledge of basketball.

Doña Idang: Que ingay lang talaga these sporting events, ano hijo? And you know, when that boy hit you on the face, gusto ko isampal sa kanya ang aking abanico. How's your lip, by the way?

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon