Chapter 20: Hamon, Hopia, at Lumpiang Sariwa

1.6K 69 51
                                    


Friday

12:47 pm

Habang nasa Grab papuntang Quiapo.

Kelso: So much for the authentic Getting To Quiapo Experience...

Taylor: Gusto mo talaga mag-LRT? On a Friday?

Kelso: Why not?

Brian: Well, we're almost halfway there na so there's really no—

Taylor: And as if naman na may expert commuter sa ating apat, right?

Kung hindi kayo sanay sa tatlong 'to, aakalain mo nag-aaway na naman sila. Pero kahit na sanay na 'ko, hindi ko pa rin mapigilang sitahin sila.

Jake: Kayo talaga. Naka-sakay na tayo ng Grab saka kayo magta-talo ng ganyan.

Taylor: Hindi kami nagta-talo... We're just— you know—

Brian: We're just being ourselves?

Kelso: More like we can't decide how much more maarte we can be.

Sabay tawanan.
_ _ _

Bumaba kami sa may 711 sa may likuran ng Quiapo Church at doon nag-hintay.

Kelso: Who are we waiting for ba?

Tanong ni Kelso kay Taylor.

Taylor: Remember when we talked about not having like a tour because it's sort of a cop-out?

Brian: Yeah...

Taylor: I was able to get in touch with a local —someone who grew up in the area— I was kind of thinking na at least yung taga-rito would have stories to tell, di ba?

Kelso: Are you sure na hindi tayo makaka-istorbo sa kanya?

Brian: Is this gonna cost us anything?

Taylor: I asked him about it pero sabi niya he's willing to do it for nothing.

Jake: Walang kapalit?

Kelso: Yeah, a token at least?

Taylor: Ako na ang bahala with that.

Taylor: He's here na.

Kumaway si Kelso sa isang lalaki sa may labas ng 7-11. Medyo ma-porma siya. Naka-shades, white na shirt at jogger pants at sneakers. May naka-sukbit sa kanyang backpack at may bitbit siyang maliit na camerang naka-kabit naman sa maliit na tripod.

Pumasok siya sa 7-11 at lumapit sa 'min.

Taylor: Guys, meet Owen Delgado a.k.a. @BinatangQuiapOw

Owen: Hi!

Taylor: Owen, this Brian

Nakipag-kamay siya.

Owen: Nice to meet you.

Taylor: This is Jake.

Owen: 'Tol— fina-follow kita sa IG at Twitter.

Nakipag-kamay din siya sa 'kin.

Jake: Talaga? Na-follow back na ba kita?

Owen: Parang. Pero that shot, 'tol. Alamat ka.

Yun pa ring nag-viral na impossible shot na yan ang na-aalala nila. Ngayon lang din yata ako tinawag na alamat.

Jake: Hindi naman.

Taylor: And this is Kelso.

Owen: Finally... Na-meet din kita.

The Coño Boy 4: JakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon