Jake's P.O.V.Kelso: Look at that... Such unrealistic expectations they're setting with that kind of ending, di ba?
Hindi man talaga directly aaminin ni Kelso, pero kitang-kita ko kung paano siya kiligin sa pina-panood namin kanina pa. Yung unan na yakap niya mula pa nang nagsimula yung movie, nabugbog na sa kaka-yakap tapos hagis sa tuwing magre-react siya sa nangyayari sa pina-panood namin. Pero katagapos lang ng movie at bigla na lang siyang nagka-ganyan na parang sinaniban ng inis.
Jake: Bakit naman?
Tanong ko sa kanya kasi pakiramdam ko nag-enjoy naman siya pero yung frustration niya ngayon lang, ramdam na ramdam ko.
Kelso: Guys like that, they don't exist in your regular high school. Yung guy na halos perfect. Tapos with a body like that and yung voice na you can easily fall in love with then yung personality programmed to be the total romantic tapos magkaka-gusto sa isang almost nobody girl.
Sana pala na-record ko siya kanina sa video habang kinikilig siya kanina para mapa-kita ko sa kanya yung mga reaction niya kanina laban sa sinasabi niya ngayon lang. Hindi ko kasi siya ma-gets bigla.
Jake: Tanong ko lang, Kelso. Doon ba sa Thai Dramas na pina-panood mo, wala bang ganyang unrealistic na situation? Walang parang imposible silang pagtagpuin at magka-gusto sa isa't-isa?
Natigilan siya saglit.
Kelso: Hmmmm... You may have a point there. Pero Kasi naman eh! Urrggghhhh!!!
Muntik na matumba yung mga baso sa tray na may chips at sour cream dip na naka-latag sa gitna naming dalawa kasi para siyang bata na pinapadyak sa mattress yung mga legs niya.
Jake: Mukhang sobrang affected ka ah.
Tumayo ako para ilipat yung tray sa may kitchen at baka ma-aksidente pa yung mga baso at yung pitsel at mag-mantsa sa may bed niya.
Kelso: Paano naman kasi— this Noah Centineo guy— nung "To All The Boys I've Loved Before" pa siya eh! Kainis! Yung mga roles niya, parang wala namang ganyang guy in real life!
Okay, na-gets ko na.
Jake: Kaya nga movie lang yan. Malaki yung chance na hindi yan nangyayari sa tunay na buhay. Minsan, mas ma-surprise ka pa siguro ng nangyayari sa totoo kaysa sa napapanood mo sa mga romantic comedy na yan. Kaya siguro ang tagal na rin ng Maala-ala Mo Kaya—
Kelso: Wait ah, Let me just get my lubid.
Jake: Lubid?
Pagtataka kong tanong sa kanya habang nagla-lakad pabalik sa bed niya.
Kelso: Ang lalim kasi eh. You know —the hugot— so lalim baka you might need the lubid to get back up.
Jake: Hala siya.
Natawa ako sa pabirong sagot ni Kelso.
Umupo ako ulit sa tabi niya.
Huminga ako ng malalim.
Jake: May sasabihin pala ako sa 'yo.
Kelso: Yeah, what is it?
Tanong niya habang pinapanood ko siyang pumili uli ng iba pang papanoorin sa Netflix gamit yung remote.
Jake: Thank you pala sa pagpunta sa first game kanina.
Kelso: Huh!?! You think I went to the opening and the first game because of you? I was working, you know...
Nagulat ako sa sagot niya.
Jake: Ah ganoon ba?
Mali ba ako ng iniisip?
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series