CHK Gym
UP Diliman
8:09 amHindi pa man ako nakaka-bangon sa higaan ko, tadtad na ng messages ang inbox ko. Wala daw training ngayong umaga pero required attendance for closed door general assembly and counseling ang buong team. Nang dumating ako sa gym, sinalubong ako ng iba't-ibang version ng tanong tungkol sa nangyari kay Goz. Matipid akong sumagot na hindi ko alam ang buong diagnosis at hindi pa siya conscious sa ngayon. Hindi ko na kasi alam kung ano ang nasabi nina Ross, Jaydee, at Dane pero na-warningan ko naman sila sa text na huwag muna mag-kuwento.
Dahil sa nangyari kay Goz, parang naglalakad sa bubog ang buong coaching staff at mga school admin. Ngayon ko lang sila nakitang ganito sa GA. Noong Sabado ng gabi, kami pa lang nina Jaydee, Ross, Dane, at sina Coach Bok and Kuya Silver ang may alam ng totoong nangyari. Linggo, hindi ko masyado pinansin ang mga text at PM ng ibang team mates namin para wala muna masyadong usap na lumabas. Pero ngayon, habang naka-upo kami at naka-harap sa kanila, parang may maitim na ulap na nakatalukbong sa kinalalagyan namin.
May apat na Counselors na dumating para isa-isa kaming interviewhin. Hindi ako sure kung alam ba nila ang ginagawa nila kasi para sa 'kin, de-kahon yung pagtatanong nila. Siguro dala na rin ng pag-iingat kasi sensitive yung situation ni Goz. Una yung injury niya na akala ng lahat okay na. Pangalawa yung nararanasan at nilalabanan niyang depression kaya umabot siya sa ganoon. Ayoko talaga mag-salita ng hindi ko dapat sabihin kaya matipid din akong sumagot.
Alam kong mali pero ang palusot ko na lang, noong Sabado ng gabi ko lang nalaman lahat. Oo at napag-usapan namin hindi lang isang beses ni Goz yung ini-indang sakit sa shoulder niya. Hindi rin naman ako nagkulang sa pa-alala sa kanya noong may napapansin na ako. Wala akong inamin tungkol doon. At lalong ayoko rin ilaglag si Goz tungkol sa alam ko sa naging meron sa kanila ni Taylor at bakit siya ang naka-kita sa kanya sa kuwarto niya sa hotel. Hindi talaga 'yon para sa 'kin i-kuwento.
Jaydee: Grabe naman. Counseling ba 'yon o interrogation?
Bulong sa 'kin ni Jaydee pagka-tapos niyang sumalang sa counselor.
Jake: Namawis ka ba sa kaba?
Naglagay ng apat na pares ng upuang magka-layo sa kabilang dulo ng court, habang kami naman ay naka-upo at naghi-hintay sa turn namin para makausap ang counselor. Parang sinasadya talaga nilang nakikita namin kung paano ma-interview ang mga team mates namin.
Jaydee: Tinatanong nila 'ko kung may alam ba ako sa pag-tago ni Goz ng injury niya.
Naitanong din nila sa 'kin yan kanina. Simple lang ang sagot ko. Akala ko tapos na yung therapy niya noon para sa injury niya at okay naman ang laro niya.
Jake: Hindi niya tinago ang injury niya, ang alam nating lahat tapos na ang therapy niya para doon at functioning naman ang arms at shoulders niya sa training at games, di ba?
Inulit ko lang kina Jaydee at Ross, para matuldukan na ang usapan.
Ross: That being said, nag-ask na rin ba sila sa inyo kung meron ba sa 'tin na nag-take ng performance enhancers —legal or otherwise?
Jaydee: Tinanong ka rin?
Dane: Pare-parehas naman sila ng tinanong sa lahat.
Jake: Huwag nga kayong praning. Siyempre itatanong nila lahat yan, nag-attempt mag-suicide ang kaibigan natin.
Aaminin ko, medyo na-iinis na kasi ako sa nangyayari tapos pina-panood mo pa kung paano kayo isa-isahin sa harapan ng lahat sa court kung saan dapat united kami bilang team para mag-laro at mag-train.
Ross: Like I said, hindi mo talaga makita with Goz. He's like —looking like nothing's wrong with him.
Yan naman ang sinasabi ng lahat. Napapanood ko lang yan sa mga series o narinig ko na minsang linya sa movies. Yung taong magaling mag-dala at hindi mo ini-expect, sila pala yung kalaban ang sarili nila araw-araw.
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series