Bayang Pinagpala7:29 am
Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko o kung masyado ba akong presumido sa pag-punta ko rito ngayon. Huli kong punta rito, aminado akong gumuho ang mundo ko. Sa ngayon, tinatanong ko ang sarili ko kung may igu-guho pa ba ang buhay ko matapos ng nalaman ko kagabi? Sa bawat hakbang pa-akyat ng sinaunang hagdanan, parang bumuhos lahat ng ala-ala ko sa lugar na 'to. Mula nang musmos pa lamang ako, hanggang sa kailan lamang nitong taon.
Na-alala ko kung paano ako makipag-habulan paakyat sa mga baitang ng hagdanang daang beses ko nang pinag-panhik-panaugan. Na-alala ko kung paano ako mag-hanap ng sulok na mapapag-taguan habang na-uubos ang bilang. Na-alala ko kung paano namin patakbubin ang mga laruang kotse sa sahig kung saan na ilang beses ko na ring napadulasan.
Kaso sa lahat ng naging laro ko sa buhay, itong sinadya ko ngayon sa mataas-na-bahay na 'to ay isang larong tagilid na talaga ako sa laban.
All Souls Day ngayon, November 2, maaga akong umalis ng bahay namin sa Santa Clara Sur para sumilip saglit sa simbahan. Alam kong sa mga mahahalagang araw, hindi naka-kaligtaan ng mga naka-tatanda sa amin ang mag-simba —lalo na ang mga Taga-Guitna. First mass sila lagi.
Nang makita ko na ang sinadya ko, hinintay ko na matapos ang misa habang naka-abang sa may likuran. Wala sa utak ko ang buong misa. Lumabas ako ng simbahan at tinanaw ang pag-alis ng gusto kong maka-usap pa-uwi. Hindi ko alam kung suwerte ko lang ba, pero sabay silang pumanhik.
Alam ko na laging nasa oras sila mag-almusal kaya nag-hintay pa ako ng kaunti pa.
Pagtapak ko sa Sala Mayor, bukas lahat ng mga bintana, siguro nga umi-ihip na ang Amihan kasi ramdam ko ang lamig ngayong umaga. O nanla-lamig ako sa kaba.
Jake: Good morning po, Doña Doray, Doña Idang.
Bati ko sa kanila.
Doña Idang: Jake! It's been ages! Ven aqui! [come here]
Lumapit ako sa kina-uupuan ng dalawang sa pinaka-ginagalang na Señora na may dugong Taga-Guitna.
Doña Idang: We missed you! It's so lovely to see you, hijo!
Hiniling ko ang kamay ni Doña Doray para makapag-mano.
Jake: Bless po, Doña Doray.
Iniabot niya sa 'kin ang kanang kamay niya.
Doña Doray: God bless you.
Ganoon din ang ginawa ko kay Doña Doray.
Doña Idang: God bless you, hijo. Ikaw lang ba?
Jake: Opo, ako lang po.
Doña Doray: Ma-upo ka, hijo.
Itinuro niya kung saan ako dapat ma-upo.
Jake: Thank you po.
Sabi ko pagka-upo ko.
Doña Doray: Paki-sabi sa Mama mo, salamat sa sinukmane na may macapuno na pina-dala niya kahapon. Que sabroso! Mahusay talaga si Agnes sa cucina.
Jake: Opo, makakarating.
Doña Doray: Nag-almusal ka na ba, hijo?
Jake: Opo kanina, bago po ako umalis ng bahay.
Isang malaking kasinungalingan. Wala pa rin akong gana kumain.
Doña Idang: How have you been, Jake?
Tanong sa 'kin ng Doña Idang. Ramdam ko sa tono ng boses niya kung gaano siya ka-concerned.
Jake: Mabuti naman po, naging busy lang po sa mga requirements sa school, halos araw-araw na basketball training, isama pa po ang mga games para sa UAAP.
![](https://img.wattpad.com/cover/155247961-288-k973951.jpg)
BINABASA MO ANG
The Coño Boy 4: Jake
RomanceWhat happens when you get your heart broken? When the one you have loved all your life chooses someone else... Where do you start? The Coño Boy Series